<3 Chapter 21 "Rapist?"

9.1K 157 28
                                    

Ganda ng title noh? Rapist hahaha! Nahiya naman ako bigla  (^////^)

Sis sayo ko dinedicate haha! Salamat sa pag vote at sa pag sabi na gusto mong sumali sa Anti Black Heart Club haha! Tara Sali tayo hahah! Nagdadalwang isip pa ako kasi baka mapatay ako ni Papa Saito at di ko matapos nag storyang ‘to? Drama ha!



_Inoue’s POV_

After kong sabihin iyon, bigla nalang lahat sila tumahimik at nagbulong bulongan. Hindi ko alam pero bakit pinagsisihan ko ng sabihin ko iyun sa kanila. Kainis naman, masyado na kasi ako napuno at feeling ko sasabog na ako, kaya ayan nakapag open ng wala sa oras at nakapaglabas ng hinanakit kay Black Heart huhu

Bigla ako kinabahan ng lahat sila tumingin sa’kin. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa at iba’t ibang expression ng mukha ang ibinigay nila sa’kin. Meron iba na parang naawa sa’kin, ang iba naman nandidiri? Siguro dahil naglapat ang labi namin ni Black heart kaya nandidiri sila huhu. May iba naman na parang nanghihinayang? Bakit may ganun? Siguro dahil hindi na virgin ang labi ko?Inggit?Yuck manyak huhu!  Hay ano ba ‘tong pinag iisip ko. Bumalik nalang ako sa katinuan ng may nagsalita.

“GAGO TALAGA SIYA!!” May isa sumigaw sanhi ng pagkagulat ko, sabay suntok sa lamesa. O.A naman ni kuya kung magalit, parang siya ang nawalan ng first kiss ah!

“Hindi ko na talaga take to!” sabi nung isang girl naman. Ano naman nag hindi niya ma take?

“Hindi lang pala siya killer!” Pahabol ng isa nilang weirdong kasama. Anong hindi lang pala siya killer?Anong ibig niyang sabihin?

“RAPIST DIN PALA SIYA!!” Sigaw niya. Huwaaaatttt?? Rapist? Takte anong pinag iisip ng mga baliw na ‘to. Tapos halos lahat sila tumango na parang sinasabi na sumasangayon sila sa sinabi nung isa na rapist si Black Heart.

May isa lumapit sa’kin, lalake siya at hinawakan ang balikat ko.

“Girl, hayaan mo makakaganti din tayo sa Killer slash rapist na iyon!” Anong rapist? Teka nga, ako ang kinakabahan sa mga pinag iisip ng mga baliw na’to eh.

“..A-ah te-teka lang...ma-mali kayo ng iniisip” Sinubokan kong magpaliwanag pero parang wala silang narinig. Nagulat na naman  ako ng halos lahat sila lumapit s’akin at niyakap akooo???Huwaaah!

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now