<3 Chapter 39

7K 150 25
                                    

Hi mga readers pasinsiya na po at natagalan ang update ko. Huwag po kayo mag alala medyo bibilisan ko na ang paggawa ng mga chapters nito kasi kailangan ko na talaga matapos 'to dahil may mahalaga akong gagawin next year. Baka mawala po ako ng two years dahil may gagawin akong mahalaga at di ko na magagwang buksan pa ang wattpad. Kaya talagang kailangan ko ng matapos ang Black Heart. Wala kasi akong laptop or comp na pwede pang type, pwede lang ako makapagcomp tuwing weekend pagdinadala ni papa ang laptop niya sa bahay. Nasira kasi iyong samin eh haha. Sana support niyo pa rin ito ^^

_Inoue’s POV_

 

Pagkalabas ko sa Hospital, agad ako nagpaalam kena Taki. Dahil may pupuntahan akong importante lugar at iyon ay wala iba kun’di ang school.

Gulong gula ang utak ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Una, bakit nakakita ako ng dugo na inakala ko galing sakin at akala ko talaga sinaksak niya ako. Kung hindi sakin galling iyon, ibig sabihin sa kanya. Bigla ako di mapakali na maisip na may sugat nga siya. Kaya kailangan ko talaga siya Makita. Pangalawa pang gumugulo sa isipan ko, kung bakit kailangan niyang saktan ang sarili niya? At bakit ganung tingin ang ibinigay niya sa’kin? Isang nakakakilbot na tingin. At ang pinaka huli na mas lalo hindi ako natahimik ng sabihin sa’kin ni Taki na may isang lalaki na naka cap ang pumasok sa room ko nung nasa hospital ako at nag iwan ito ng mga prutas at pagkain. Ayaw kong isipin na siya iyon…pero sino ang niloko ko?

…ang totoo niyan. Simula ng malaman ko iyon. Hinihiling ko, na sana, na sana…siya iyon. Sana si Saito iyon.

 Nakarating ako ng school at agad ako pumunta ng classroom, nagbabaka sakaling makita ko siya, pero wala. Halos maikot ko na nag buong campus pero, ni anino niya hindi ko nakita.

“Nasaan ba siya? Bakit di ko siya makita?” tanong ko sa sarili ko. Pinuntahan ko na ang mga lugar na pwede ko siya makita, pero wala siya doon.

***

 Lumipas ang isang linggo at hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat masaya ako ngayon di ba dahil wala si Black Heart, kagaya ng mga kaklase ko ngayon. Wala sila ibang ginawa kundi ang magsaya dahil wala si Black Heart. Samantala ako puro buntong hininga ang ginagawa.

"Anong problema, Best?" Tanong sa'kin ni Taki. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang. Sa tuwing tinatanong ako ng ganyan ni Taki, lagi ganun ang pinapakita ko, isang ngiti.

"Hi Inoue" hindi ko namalayan na may kamay na, na kumakaway sa harapan ko, walang iba kundi si Riku. Ngumiti lang ako kay Riku.

"A-aaaraaaaayyyy!" napasigaw ako  ng may kumurot ng ubod ng lakas sa pisngi ko.

"Goodmorning Inoue"-Yori. Napahawak ako sa pisngi ko habang nakatingin ng masama kay Yori.

"Hala yori, lagot ka?" Sabi ni Taki kay Yori  habang ang tono nito ay nakakatakot.

"Bakit naman Takin? Ginigising ko lang si Inoue ah, lagi kasi tulala hehe"- Yori. Nasaktan ako sa kurot niya ah. Asar ka Yori. Napatayo ako at agad na sinugod si Yori para sana makaganti pero hindi ko magawa dahil hinaharang ni Yori si Taki, Asar!

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now