<3 Chapter 69

4.9K 79 7
                                    

[Taki’s POV]

“Because I killed your Father,Taki”- Yori.

“A-ano iyan p-pinagsasabi mo?” Napatigil ako sa pag iyak ng dahil sa sinabi niya. Dahan dahan napaluhod si Yori sa harapan ko at halos mabiyak ang puso ko ng makitang umiiyak siya,hindi lang basta iyak kundi humagulgul pa ito.

“I-I Killed your Father, T-taki” sabi nito habang patuloy na humahagulgol. Ngayon, ngayon ko lang nakitang ganyan si Yori, ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.

“SINUNGALING! SINUNGALING KA YORI! Hindi...hindi ako naniniwala!” Patuloy kong sinasabi na hindi ako naniwala sa mga sinasabi niya ngayon, pero bakit ganun? Bakit patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko huhu. Nilapitan ko siya

“Tumayo ka! Tumayo ka diyan! TUMAYO KA NA DIYAN YORI...t-tama na ang kalokohan  na’to please” Pinilit ko siyang itayo habang umiiyak pero hindi ito tumayo, nanatili pa rin siyang nakaluhod habang umiiyak. Parang nawawalan na ako ng lakas at napaluhod na rin ako sa tabi niya habnag umiiyak at tinutulak tulak siya.

“Bawiin mo, bawiin mo iyang sinabi mo, Yori” Pa ulit ulit na sabi ko sa kanya, halos magmakaawa na ako sa kanya,please bawiin mo ang mga sinabi mo Yori kung ayaw mong makita akong mamatay ngayon. Maya maya pa huminto na sa pag iyak si Yori, pinunasan niya ang mga luha niya at tumayo at tumalikod muli sa’kin.

“T-that’s the reason why you’ll need to forget me, Taki” –Yori. Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya titigil! Hindi pa rin ba siya titigil sa kasinungalingan na to!

“Manahimik ka Yori, hind ako na niniwala!” Magsasalita pa siya pero ayaw ko na, ayaw ko ng madinig pa iyon. Tumakbo ako palayo sa kanya,tumakbo ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa bahay.

“Because I killed your Father”- Yori. Hindi hindi totoo iyon, namatay si Papa ng dahil sa sakit sa puso, iyon ang sabi sa’kin ni Mama kaya impossible ang sinasabi ni Yori.Tsaka isa pa seven years old ako nung namatay si papa tapos ngayon sasabihin niya iyon? Impossible talaga dahil bata pa rin siya noon. Papatunayan ko iyon,papatunayan ko na nagsisinungaling lang siya, sinabi niya lang iyon para pumayag akong makipag break sa kanya.

“Ma” hinanap ko si mama sa buong bahay, sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa lumabas si Mama galing kwarto at nagulat ito ng makita ako.

“Taki, oh my bakit basang basa ka anak?” Pag aalalang tanong nito. Hindi ko pinansin ang tanong niya. Agad ako lumapit kay Mama at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

“M-ma, s-sabihin mo sa’kin, sabihin mo sakin”  Sa mga oras na’to nagdadasal na rin ako, nagdadasal n asana sabihin ni Mama ang totoo, ang totoo na namatay si Papa ng dahil sa sakit.

“Ano ang sasabihin ko anak?” pinilit kong controllen ng lahat ng emosyon ko para magkaroon ng lakas ng loob na tanungin ito, kahit s akabila noon, nandun pa rin ang takot, ang takot nab aka tama si Yori.

“Ma sabihin mo sa’kin sakit sa puso ang kinamatay ni Papa di ba?” Nakita ko nagulat si Mama sa tinanong ko at halos mamutla. Gulat na gulat siya at doon ako nakaramdam ng kaba.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now