<3 Chapter 53 "Amazing Race"

6.5K 112 5
                                    

_Inoue’s POV_

 

 

“KAMATAYAAAN!” Sigaw nito at itinaas nito ang patalim na hawak habang nakatutok sa’kin. Hindi ako nakagalaw at kahit na gusto kong sumigaw, walang boses na lumalabas.

H-hindi pwede ito! Hindi pwedeng mamatay nalang ako ng ganito! Ano pa ang kwenta na nagtiis akong gawin alila nung black heart na iyon kung mamatay na lang ako ng basta basta at ano naman ang nakain ko at naisip ko pa iyon sa ganitong situation huhu.

Kailangan may gawin ako!

Kailangan may gawin ako!

Kailangan may gawin akooo!

At iyon ay ang pumikit at magdasal na sana may tumulong sa’kin huhu TT_TT

“Yuko!” sabay sa pagkarinig ko noon agad agad akong yumuko at ilang segundo  ang lumipas nung maramdaman ko na wala ng nakakahawak sa kamay ko at sabay din noon narinig ko na parang maynahulog sa swimming pool.

Pagmulat ko ng mga mata ko nakita ko iyong lalaki na parang wala na itong malay at unti unti ko nakita ang paglutang ng katawan nito sa swimming pool sabay noon ay naramdaman ko ang paghatak ng kamay ko at agad ko nakita si Saito.

“Inoue, okay ka lang?! Inoue magsalita ka! Ano ba?!” Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon parang gusto ko lang siyang titigan. H-hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.T-totoo ba ito o nananaginip lang ako? Naramdaman ko na hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

“Hey Slave ano ba!” kahit na tinawag niya akong slave sa mga oras na’to ito rin ang unang pagkakataon na hindi ako nainis o nagalit sa kanya, dahil ito ang unang beses na nakita ko sa mga mata ni Saito ang pag aalala? T-totoo ba talaga ‘to? Hindi ako nakapagsalita at tumango na lang. Doon lang siya napahinto sa pagtatanong at maya maya pa nadinig ko na napamura ito, tinignan na naman niya ako ng masama hanggang sa hawakan nito muli ang kamay ko at hinila kung saan.

***

“LAHAT KAYO LUMABAS!”- Black Heart. Sigaw nito sa mga tao sa loob, nakita ko ang gulat na expression nila at kahit ako nagulat sa sigaw niya at nung dalhin  ako ni Saito sa kwarto nila, kwarto ng mga lalaki at ma authoridad pa nitong inutusan ang lahat na lumabas.  Autumatic naman na sumunod ang lahat, sabay sa paglabas nila binitiwan na ako ni Saito.

Nakita ko na galit na galit siya. S-siguro dahil sa nangyari sa’kin kanina.  Halos lumabas sa katawam ko ang kaluluwa ko nung bigla niya sinipa ang pinto, kasabay noon ay ang dahan dahan na pagtingin niya sa’kin. Napalunok naman ako ng laway, m-mukhang na d-dehydrate na naman ako sa takot huhu pinagpapawisan ako sa kanya.

“Muntik ka na kanina,Inoue!” galit na galit talaga siya. Hindi ako umimik dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

“Dito ka lang, hanggat di pa tayo umaalis  sa lugar na’to, dito ka lang!” Nagulat ako sa sinabi niya.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now