<3 Chapter 65

3K 55 5
                                    

Past po ito ha ^________^

****

Kanina pa nakadungaw sa bintana ng bahay nila si Riku, hinihintay niya kase ang pagdating ng kanyang ama. Napansin ito ng kanyang ina. Napatingin ito sa orasan nasa wall. Alas onse na pala ng gabi ngunit hindi pa dumadating ang mister nito.

"Riku, anak matulog ka na" utos ng ina ni Riku sa kanya. May pasok pa kase ito kinabukasan, nasa ikatatlong baiting na ito sa elementary.

"Mamaya na po mama, hihintayin ko pa po si Papa"tanging nasagot ng bata. Hinihintay niya kase ang pagdating ng kanyang ama galing sa trabaho. Nangako kase ito na bibilhan siya ng baril baril na laruan, dahil sa tuwa ni Riku sa sinabi ng ama kaya hanggang ngayon gising pa rin siya at hinihintay ang laruan ipinangako sa kanya nito.

"Riku,matulog ka na, gigisingin na lamang  kita pag dumating na ang papa mo"  Wala na nga nagawa si Riku at sinunod na lamang niya ang utos ng kanyang  ina. Kase sabi naman nito gigisingin nalang siya pagdumating na ito.

Ihahanda palang ng ina nito ang kumot na ibabalot sa katawan ni Rku para sa pagtulog  ng makarinig sila na may nagbukas ng pinto.

"Riku, Anak" halos mapatalon si Riku sa kama ng madinig ang boses ng ama. Isang sikat at magaling na police ang ama ni Riku, ang totoo niyan marami na itong nakuhang award para sa isang police. Halos lahat kase ng kaso na ibibigay dito ay nalulutas niya, maging ang mga masasamang loob ay nadadakip nito.

"Papa" pananabik na sigaw nito at ng makalabas na sa kwarto agad na tumakbo ito papunta sa ama. Pumantay naman ang papa ni Riku sa kanya at niyakap ito. Dali dali nagmano si Riku at hinalikan ito sa pisngi.

"Papa papa nasaan na po nasaan na po?" halos hindi na mapakali si Riku na makita ang laruan pinabili sa ama. Ngumiti na lamang ang papa ni Riku ng makita ang tuwa sa mga mata nito at pananabik.

"Talagang hinintay mo lang ako para sa laruan lang  anak hahaha" natatawang sabi nito at tsaka iniabot ang isang plastic na baril na laruan na may kasamang handcuff.

"Yehay" Nagtatalon naman si Riku sa Tuwa. Nagpasalamat ito sa papa niya at dali dali bumalik sa kwarto nito para mabuksan na ang laruan kanina pa hinihintay.

Sa murang edad, meron na itong pangarap. Pangarap nito na balang araw ay maging kagaya ng ama niya. Isang magaling at magiting na police sa lugar nila.  Kaya naman ganito na lamang niya gusto magkaroon ng isang baril na laruan, at iniimagine na isa rin siyang magaling na pulis  na katulad ng papa niya.

Kahit sa pagtulog katabi lagi ni Riku ang baril na binili ng papa niya para sa kanya. Hindi niya ito hinhiwalay sa kanya, kase ginagaya rin nito ang tatay niya na laging may baril sa tagiliran nito.

"Bang bang bang!" sabi ni Riku habang itinututok ang baril sa ina. Hinayaan lamang ito ng ina ni Riku dahil sa busy ito sa pagluluto.Pero nagulat na lamang si Riku ng hilahin siya ng ama niya.

"Riku,bakit mo ginawa iyon?" hindi naman maintindihan ni Riku ang tinutuloy nito. Napabuntong hininga na lamang ang ama nito at tsaka kinuha nag baril na nilalaro ni Riku.

"Papa akin po iyan" pinigilan ng papa nito ang muling ni Riku sa laruan baril. Hinawakan nito ang balikat ni Riku.

"Anak, lagi mo 'to tatandaan " napatingin si Riku sa iniidulong ama.

"Ang baril ay hindi itinututok kung kani kanino lang, lalo na sa mga mahal mo sa buhay"

"Ang bagay na ito ay ginagamit upang pang proteksyon lamang at sa pagtugis sa mga masasamang loob, naiintindihan mo?" Tumango tango naman si Riku. Kahit na sa ganun nitong edad, naunawaan niya ang ama dahil matalino din bata si Riku, may mga honors din itong natatanggap sa school.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now