<3 Chapter 59

5.6K 93 5
                                    

[Taki’s POV]

Pumunta kami sa isang classroom at agad niya ni lock ang pinto kaya mas lalo ako kinabahan. Hanggang ngayon nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko at di niya pa rin ito binbitawan.

“Y-yori” Hindi ko alam kung ano nangyayari at bakit galit na galit siya tapos sinapak niya pa si Riku, dahil pa rin ba iyon sa out of town.

“Hanggang kailan mo ako susundan?”- Yori. Eh? Ano daw?

“Ah hindi kita sinusundan, ikaw kaya naghila sa’kin dito”paglilinaw ko.

“Huwag mo ibahin ang usapan, alam ko na alam mo ang tinutukoy ko” humarap na siya sa’kin at andun pa rin ang galit sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya at gusto na makitang galit na galit pa rin siya sa’kin hanggang ngayon.

“Hindi ko rin alam” Kahit ako hindi ko alam kung hanggang kailan kita susundan Yori. Huminga ito ng malalim na parang pinipigilan ang galit na nararamdaman. Tumalikod ulit ito sa’kin sabay sinipa ang upuan na malapit sa kanya tsaka binuksan ang pinto. T-teka a-alis na siya? Palabas na siya ng room ng pigilan ko siya.

“Yori” tawag ko dito, napahinto siya sa paghakbang pero sandali lang at naglakad na ulit ito.

“Yori” tinawag ko siya muli pero parang  wala na siyang narinig. Hindi na ako papayag pa na umalis na naman siya at iwan ako kaya this time hinawakan ko ang mga kamay niya. Tinignan niya ako at nagulat siya sa ginawa ko.

“Yori, I’m sorry”- Taki. nakapikit ako habang sinabi iyon. Natatakot ako na baka hindi niya tanggapin ang sorry ko at magmukhang tanga lang ako sa harapan niya ng dahil sa ginawa ko.

“Taki, please huwag mo na ituloy ang sasabihin mo”pakiusap nito. Dahan dahan niya tinanggal ang kamay ko sa kamay niya pero hindi ko hinayaan na mawala pa siya,ngayon nandito na siya muli sa harapan ko.

“Aaminin ko na nagselos ako” pag uumpisa ko.

“Ayaw ko na marinig iyan”- Yori. ngayon galit ang tono nito at agad na tinabig ang kamay ko at naglakad.

“Oo nagselos ako pero hindi si Black Heart ang dahilan” Napahinto ito sa paglakad at dahan dahan niya ako nilingon at makikita na nagulat siya sa mga sinabi ko.  Pakapalan na ng mukha, ilang araw ko rin pinag isipan ‘to. Kung bakit nagawa ko iyon at bakit nagselos ako at ngayon ko lang nalaman ang sagot nung makita ko siya ulit at ang maging ganito kalapit sa kanya ulit.

“Ikaw ang dahilan Yori, kaya nagawa ko ang mga bagay na hindi ko akalain na magagawa ko, noong una hindi ko pa maintindihan kung bakit nagawa ko iyon basta ang alam ko lang naiinis ako pag ngumingiti ka sa ibang babae, naiinis ako kapag dumidikit ka sa iba at mas lalo na iinis ako kapag napupunta sa iba ang attention mo at hindi sa’kin...kaya pinagselosan ko si Inoue at para akong nabaliw sa sobrang selos kaya nagawa ko iyon, kaya nga Yori I’m s- -“ naputol ang sasabihin ko nung bigla nalang ako yakapin ni Yori.

“Tama na, enough na sa’kin na malaman ang lahat ng iyan, Takin” hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako ng tawagin niya muli ako TAKIN. Sobrang na miss ko iyon, na miss ko ang presensiya niya, na miss ko ang pagiging makulit niya in short na miss ko ang lahat lahat sa kanya.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now