<3 Chapter 76

5.3K 102 6
                                    

[Inoue’s POV]

Matapos ang tatlong araw na pamamalagi sa hospital nakalabas na rin ako. Kasama ko ngayon sila Tita Lucia and Uncle Herald pati na rin si Saito.

“Inoue, basta lagi ka pa rin dumalaw sa mansion”  Napapangiti na lamang ako ng dahil sa kakulitan ni Tita Lucia. Simula kase kanina nung sabihin ko na mas gusto ko mamalagi sa sarili namin bahay eh ganyan na siya. Kitang kita ko kung gaano kalungkot si Tita ng dahil sa sinabi ko. Magpupumilit pa sana siya na patirahin ako doon,buti na lamang nandiyan si Uncle Herald at pinipigilan siya.

Nakita ko naman sa di kalayuan sila Uncle Herald and Saito, papunta sila sa parking lot para kunin ang kotse pero tumigil sila sandali at sa nakikita ko ngayon eh napakaseryoso ng pinag uusapan nilang dalawa. Pinakilala ko na kasi sa kanila si Saito bilang boyfriend ko, natatawa na lamang ako ng maalala ang mga naging reaction nila tita Lucia and Uncle Herald, tinitigan nila si Saito mula ulo hanggang paa at parang kinikilatis ang buong pagkatao nito, napakasama ng tingin nila kay Saito. Si Saito naman ay parang di man lang natinag at  nakipagtitigan din sa kanila, nararamdaman ko ang tension sa pagitan nila kaya naman tumikhim ako para naman tumigil na sila at nagtagumapay naman ako.

Hinatid kami nila Uncle Herald sa bahay, hindi kasama si Saito dahil may motor ito pero nakasunod lamang siya sa likuran ng sasakyan ni Uncle.

“Inoue, hihintayin kita sa mansion” Sabi ni Tita Lucia, niyakap niya ako ng mahigpit at tsaka hinalikan ang noo ko.

“Mag iingat ka palagi” after niyang sabihin iyon tumingin siya kay Saito. “Ikaw na muna bahala sa kanya pag wala kami” Pakiusap niya rito. Tumango naman si Saito.  Niyakap din ako ni Uncle Herald.

“Huwag mo pababayaan ang sarili mo” –Uncle Herald.

Sumakay na sila sa kotse at iniwan na kami ni Saito. Kumaway kaway pa ako para mag b-bye kena tita Lucia and Uncle Herald. Nang makalayo na sila agad ko tinignan si Saito at nahuli ko pa siyang nakatingin sa’kin kaya naman automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Takte lang, namemental block ako eh, may itatanong ako sa kanya eh. Ano nga ba iyon? Ah tama naalala ko na. Tinuro ko siya

“Saito, sabihin mo nga sa’kin ano pinag usapan niyo ni Uncle Herald?” Nacucurious talaga ako kung ano iyon sinabi ni Uncle kay Saito. Hindi niya ako sinagot instead kinuha niya iyong mga gamit na dala namin galing hospital at naglakad papunta sa loob ng bahay. Hala ang daya, bakit ayaw niyang sabihin.

“H-hoy teka lang, ano ba iyong sinabi sa’yo ni Uncle?” Hinabol ko siya . Hindi niya pa rin ako pinapansin at parang umiiwas pa sa tanong ko.

“Buksan mo na ang pinto” kinuha ko naman ang susi at tsaka binuksan ang pinto. Inilapag ni Saito ang mga dala namin sa lamesa at inayos pa ito.

“Saito, sabihin mo na please. Ano ba kase iyon?” Pag pupumilit ko muli. Tumingin siya sa’kin pero sandali lang at bumalik uli sa ginagawa niyang pag ayos sa mga gamit namin.

“Kainis ka naman eh!” Napadabog tuloy ako ng wala sa oras. Napasimangot na talaga ako at handa na ako mag walk out ng bigla siya nagsalita.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now