Special Chapter

3.2K 67 11
                                    

 Lubos lubusin na natin ang kilig. Para mas lalo ma feel ang update na 'to. Pakinggan niyo ang Ngiti by Ronnie Ilang, Ngayon sasabihin ko na na song iyan ni Saito para kay Inoue ^____^

Nasa side po ------------>>>

 [Saito's POV]

 

"Bakit ba hanggang ngayon buhay pa rin ako?" Iyan ang lagi kong tanong sa sarili ko after that night. Hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa ako, nakakahinga kahit parang isa na lamanag akong patay na buhay. Nandito sa mundo ngunit parang wala ng kaluluwa. Puro puot, galit, walang hanggang galit ang nanalantay sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay ng ganun. Hindi ko na maramdaman ang puso ko, minsan napapaisip ako, tumitibok pa ba ito? Mukhang hindi na, pinatigas na rin ng mga panahon na nagdaan ng dahil sa galit.

Ngayon,gusto ko malaman kung bakit ba nabubuhay pa rin ako, kung pwede ko na rin naman kitlin ang buhay ko ngayon din.

"Promise magkikita tayo muli"

Ngayon naalala ko na, naalala ko na kung bakit gusto ko pang mabuhay.  Dahil sa pangakong iyon, dahil sa kanya kaya gusto ko pang manatili dito, para protektahan siya at para makasama siya muli.

"Nandiyan na si Black Heart" Muli nagkagulo ang buong studyante sa highschool building ng makita na parating na ako. Kanya kanyang tago kahit saan para hindi ko lang sila makita, para akong may sakit na nakakahawa, na kinakatakutan at pinandidirihan nila. Sanay na ako sa ganun trato nila sa'kin, siguraduhin lang nilang hindi ko sila makikita kung ayaw nilang matikman ang impyerno!

Napakalinis, ni isa walang kalat sa daraanan ko, wala akong makita tao, ni marinig na humihinga wala rin, mukhang pinipigilan din nila iyon. Naglalakad lang ako sa corridor ng bigla may humila sa'kin papunta kung saan. Sa oras na iyon na gulat ako, sino ang pangahas na gumawa sa'kin nito. Ipinasok niya ako ng mabilis sa isang classroom at pagkatapos na magawa iyon ay muling tumingin ito sa bintana na parang mayhinahanap.

Napatingin ako ng masama sa kanya, handa ko na sana siyang saktan kung hindi lang niya ako tinignan ng ganun tingin, magkasalubong ang kilay nito sa gitna at maangas na tumingin sa'kin. Ni isa wala akong matandaan na meron naglakas ng loob na tignan ako ng ganyan kundi siya lang.

"Baliw ka ba ha!" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ako baliw? Talagang bang gusto niyang mamatay ngayon?

"Nandiyan na si Black Heart tapos pakalat kalat ka pa sa corridor? Iyong totoo may saltik ka ba?" Nakapamewang pa ito habang tumitingin sa akin ng maangas at pinaikot naman niya ang hintuturo niya malapit sa ulo habang sinasabi ang salitang may saltik daw ba ako? Anong ibig sabihin nito? Hindi niya alam na ako si Black Heart? O nagpapanggap lang siya?

Nag inhale exhale mo na ito bago muli nagsalita "Buwisit, napagod ako sa kakatakbo para lang hindi maabutan ni Black Heart" Nakahawak ito sa kanyang dibdib. Seryoso ba talaga siya na hindi niya ako kilala? Muli sa unang pagkakaton, pagkatapos ng gabing iyon ngayon ko lang muli naramdaman ang matawa, matawa ng dahil sa ginagawa niya. Tumakbo siya ng mabilis para lang maiwasan ako tapos ngayon malalaman ko na hindi naman pala niya kilala ang taong iniiwasan niya?

"Tapos bigla kita makikita, pakalat kalat lang sa corridor, mukhang sinasabi mong gusto mo ng mamatay eh" Tinuro turo niya ako habang nagsasalita at sa nakikita ko inis na inis siya.

"Pasalamat ka,mabait ako at naawa pa ako sa'yo" nagcrossed arm ito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ang tapang mo rin ano?" seryosong tanong ko sa kanya. Tapos humarap siya sakin at ngumiti ng malapad.

"Oo naman, ako ata si Inoue Kagawa, Matapang!" Nagulat ako ng lumapit pa ito sa'kin habang nakangiti. Hindi ko alam ang naramdaman ko sa mga oras na iyon, bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso ko. Sa pagkakataon na iyon nagulat ako sa naramdaman ko, napatingin ako sa babae kaharap ko ngayon na patuloy pa rin tumitingin sa bintana. At ng tignan niya ako muli, sa pangalawang pagkakataon, muli bumilis ang pintig ng puso ko. A-ano ibig sabihin nito? Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Sino ang babaeng 'to? Sa pagkakaalala ko sa iisang tao ko lamang nararamdaman ang ganito kabilis na pagtibok ng puso, sa iisang tao lamang pero ano ang nangyayari ngayon?

BLACK HEART <3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon