<3 Chapter 33 "Three days"

8.3K 167 45
                                    

 Dedicated to her,haha! Salamat s apagbabasa ng BH. Natutuwa rin ako sa mga comment nito eh haha!

Hang tagal ng update ko? Naiinis na kayo? Kahit ako buwahaha! Hindi lang kayo ang may gusto ng update. Kahit ako gusto ko rin e update ‘to para mabuhay ko muli sa isipan ko ang mga characters dito. Kaso may magagawa ba ako kung sadyang busy lang talaga at minsan tinatamaan ng writers block? Kaasar lang di ba? Nawawalan na ba ako ng inspiration? Siyempre hindi. Nako panuorin ko lang mga MV ni Jung il woo, yoon shi yoon,junghyun, ji yeon, eun jung and han hyo joo... na a-alive ulit ang utak ko eh haha! Bakit kasi mga biniyayaan sila? Haha! Ito ang advantage ng my imaginary characters eh, lalo na siguro pag crush mo ang mga papables haha!

Hi mga readers read niyo po ang story ni Zaizaizai "Before I die". Sis salamat sa pagbabasa ng BH.

 _Inoue’s POV_

Para akong may krimen na ginagawa eh. Sa tuwing lalapit si Riku sa’kin sinisinyasan ko siya na huwag lalapit kung gusto mo pa ako makita kinabukasan. Ayon na ge-gets naman niya.

Madali naman kasing intindihin iyon.

Baka mawala na talaga ako ng maaga sa buhay na ‘to ng dahil sa kakulitan niya. Lagot kasi talaga ako kay Black Heart pagnakita niyang umaaligid ligid sa tabi ko ang gwapong nilalang na’to. I want to clarify something bago kayo magreact.

“Hindi ko crush si Riku noh!” mas mabuti na ang maaga na malaman niyo iyon.

Kasi ganito ang nangyari, kaya talagang ganito nalang ako makapag isip at makapag react sa tuwing binabalak ni Riku na lumapit sa’kin.

Isang beses sinundo ulit ako ni Riku sa bahay para sabay daw kami pumunta ng school. Ginawa niya iyon sa loob ng tatlong araw at sa loob din ng tatlong araw naging miserable ang buhay ko.

Hindi ko alam kung anong meron sa araw na iyon pero nakita ko si Saito na parang galit na galit at parang  nanggigil. Takte, abnormal na ba ako at bakit ng makita ko siyang ganun hindi na ako natakot. Instead na matakot ako nacute-an pa ako sa itsura niya. Lumalaki kasi ang butas ng ilong niya at ang mga sinkit nitong mata.

“ HOY INOUE” Napawi ang mga ngiti ko at biglang ako nakaramdam ng takot ng sinigawan niya ‘ko. Pro-problema na naman niya?

Nasa classroom kami noon, buti nalang ng sinigawan niya ako bigla nawala ang mga classmate ko kasi kung nagkataon napahiya pa ako, pero takte lang, natural na mawala sila sa paligid ko kung ganito ang aura ng walang pusong nilalang na’to, sa itsura niya para siyang papatay anytime eh.  =_=

“B-bakit?” tinawag niya ako kaya natural na iyang ang isagot ko. Nasa binatana ako ng mga oras na iyon at dahan dahan siyang lumapit sa’kin. Mas lalo ako kinabahan sa mga titig niyang iyon, para siyang leon na uhaw na uhaw na kainin ako. Mas kinatakot ko ng makita na parang may hinuhugat siya sa bulsa nito.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now