<3 Chapter 73

4.4K 79 6
                                    

[Yori’s POV]

“Sa tingin mo...MAY KARAPATAN KANG MAGHIGANTI!” – Black Heart. Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad nito sinuntok ng ubod lakas ang mukha ko at namilipit ako sa sobrang sakit! Napahawak ako sa buong mukha ko ng dahil sa ginawa niya. Hinawakan ko ang ilong ko at nakita ko na dumudugo na ito.   Hindi pa ako nakakabawi ng lakas at helo sa ginawa niya, halos umiikot pa ang paningin ko ng suntukin niya muli ang mukha ko. Parang mababasag ang panga ko sa ginawa niya.

“YORI!” Dinig kong sigaw ni Taki. Buwisit, bakit kailangan nandito pa siya. Mas lalo dumami ang dugo lumalabas sa ilong ko.  Hindi pwede ‘to!  Muli na naman siya susugod, buti na lamang ay agad ako nakailag sa suntok niya iyon. Ngayon ako naman.

*Punch*

Sinuntok ko siya at Sinipa ko agad  ang binti niyo kaya agad siya napaluhod at agad ko hinawakan ang ulo niya para e untog sa  tuhod ko.

“Wala ka talagang konsensiya at nagagawa mo pang lumaban pagkatapos ng ginawa mo!” Kinuha ko ang kahoy na malapit sa lamesa at agad na ipinalo sa likod nito. Napadapa ito ng dahil sa ginawa ko.

“Yori, Tama na!” Lumapit si Inoue sa’kin para pigilan ang isa pang hampas na gagawin ko kay Black Heart. Hindi ko siya tinignan at itinulak lamang ng malakas, tumama si Inoue sa isang lugar kung nasaan nakatambak ang ilang piraso ng kahoy, nagulat ako sa ginawa ko lalo na ng makita ko na naipit ang paa niya at halos hindi ito makatayo, nilapitan siya ni Taki. Inalis ko ang konsensiya nararamdaman ko. Wala na akong pakialam ngayon kung sino pa ang masaktan ko, ang mahalaga mapatay ko ang tao ‘to!

Napatingin si Black Heart kay Inoue at nakita ko na nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa ginawa ko. Nandilim ang paningin nito.  Pero hindi pa rin ako mapipigilan. Hinampas ko siya ulit ng kahoy pero naiwasan niya ito. Gumulong siya pa kanan kaya imbes na siya ang matamaan ko, ang natamaan ko ay ang sahig.

Napahiga ako ng sipain nito ang balikat ko, dahil doon nabitiwan ko ang kahoy at siya naman ang kumuha. Nakatayo ako agad. Humigpit ang hawak nito sa kahoy at mabilis na sumugod sa’kin. Nakaiwas ako sa dalawang beses na sinubukan nitong hampasin ako ng kahoy pero sa pangatlo beses ay hindi. Bigla nito sinipa ang lata na nagkalat sa sahig at  pinatama sa’kin, natamaan ako  sa   noo ng dahil doon nawala siya sa paningin ko. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na siya.

Natamaan ako ng kahoy sa likod at halos mapasuka ako ng dugo sa lakas ng palo niya. Hindi siya tumigil, ngayon ang dibdib ko naman ang hinampas niya, napaluhod ako at naghahabol ng hininga, namilipit ang baga  at puso ko sa ginawa niya at walang hangin na lumalabas.

Lumapit siya sa’kin at pumantay, iniangat niya ang mukha ko gamit ang kahoy.

“Atashi Okinawa?” Napakadilim ng mukha nito at nanlilisik ang mga mata niya.

“W-wala ka talagang puso, h-hindi k-ka man lang nakokonsensiya sa ginawa mo!” Paghahabol ko ng hininga hanggang ngayon hindi pa rin ako makahinga.

Nanlaki ang mga mata nito pero hindi sa gulat kundi dahil sa galit.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now