<3 Chapter 57 "Make over"

5.8K 83 5
                                    

[Faye’s POV]

“Hanggang kailan mo siya lalayuan?”tanong ko kay Yori. Nandito kami ngayon sa gym. Katatapos palang ng p.e ko nung sumulpot agad sa harapan ko si Yori. Nagkibit balikat lamang ito. Napabuntong hininga ako.

“Almost one week ka ng absent ah,  hanggang kailan ka ba magkakaganyan?” nag aalala na rin ako para sa mga grades niya.

“Faye, hindi ko rin alam”- Yori. Nakikita ko na nasasaktan siya ngayon.

“Ano ba kase ang nangyari, Yori?” hanggang ngayon hindi niya pa rin kwenekwento sa’kin ang mga nangyari, nanatili lang siyang tahimik at ganyan parang wala sa sarili.

“Mas mabuti na ngang nangyari ito”- Yori.  Mukhang wala nga ata siyang balak na e-kwento sa’kin. =__=

“Buti na rin na nangyari ‘to para hindi na ako mahirapan at para sa ganun magkaroon kami ng rason na lumayo na sa isa’t isa” Patuloy lang ako nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi niya in-open sa’kin ang problema niya kundi salita lang siya ng salita at ako naman nakikinig lang.

“Sa nakikita ko, mukhang mas hirap na hirap ka na” napatingin sa’kin si Yori at napakunot ang noo nito.

“Na m-miss mo na siya ano?” nakikita ko sa mga mata niya na hindi lang simpleng pagkagusto ang nararamdaman niya para kay Taki.

“Mahal mo na siguro siya, Yori” Napahilamos ng mukha si Yori gamit ang kamay niya.

“You’re wrong, hindi ko siya mahal at ayaw ko siyang mahalin!” nung umpisa nagulat ako sa sinabi niya pero unti unti napawi ito ng makita ang paghihirap sa mga mata niya. Mahal nga niya talaga si Taki ayaw niya lang tanggapin.

“Alam mo sana maging kagaya kita” nagtaka si Yori sa sinabi ko.

“Ha?”- Yori.

“Sana maging kagaya kita, iyan ganyan, kaya mong tiisin na hindi lumapit sa kanya..a-ako kase hindi ko kaya” Bakit nga ba hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang layuan si Riku? Paulit ulit ko nalang sinasabi na lalayuan ko na siya pero tignan niyo ang nangayayari? Nandito pa rin ako at patuloy na sumusunod at umaasa sa kanya.

“Ang hirap talaga magmahala ano?” Ngayon naman ako ang naglalabas ng saluobin kay Yori at siya naman ang nakikinig.

Hinawakan ni Yori ang ulo ko at tsaka ginulo ang buhok ko.

“Ah Yori ano ba iyang ginagawa mo?” dali dali ko naman ito inayos baka mamaya dumating si Riku eh at pumanget pa ako sa paningin niya.

“Maganda ka naman eh, inside and out kaso ang nangingibabaw ay ang panloob mo kesa sa panlabas”- Yori. Napanganga ako sa mga sinabi niya. Bigla niya kinuha ang bag niya at maging ang bag ko.

“May naisip akong magandang idea”- Yori.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now