<3 Chapter 60

5.6K 83 7
                                    

[Taki’s POV]

 

“Takin Takin Flowers para sa’yo” kinikilig na sabi nito. Teka nga bakit mas kinikilig pa siya kesa sa’kin? Di ba dapat ako lang ang kiligin dahil ako ang binibigyan niya? Abnormal talaga ang lalaki ‘to. Kinuha ko ang flowers na binigay niya at pasimple ngumiti tsaka ito inamoy.

“Teka nga...saan mo naman nakuha ‘to?” Tanong ko sa kanya baka mamaya pumitas na naman ‘to sa kung saan saan garden at malagot ulit kaming dalawa.

“Oi binili ko iyan Takin, hindi ko basta basta kinuha lang iyan sa tabi tabi”- Yori. Pagpapaliwanag nito.  Oh sige na naniniwala na ako sa sinasabi niya.

“Takin” Tawag niya sa’kin kaya napatingin ako sa kanya. Nakahawak ito ngayon sa batok niya.

“K-kailan mo ko sasagutin?” Unti unti napawi ang mga ngiti ko sa tinanong niya dahil automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Naghihintay naman ito sa isasagot ko. Hindi ako makapagsalita at ang hindi ko na naman alam kung bakit. Bakit ba s atuwing tinatanong niya kung kailan ko siya sasagutin hindi ko siya masagot. Bigla lumarawan sa isipan ko si Black Heart.

Ngayon alam ko na kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya sinasagot, dahil may gusto muna akong malaman at ayusin bago gawin iyon. Gusto ko makasigurado na wala na akong nararamdaman kay Black Heart bago ko sagutin si Yori.

Almost two weeks na rin nung sinimulan ligawan ako ni Yori, nakikita ko kung gaano siya ka effort sa panliligaw sa’kin. Lagi niya ako sinusundo at hinahaitd sa bus stop, hanggang doon lang kami hindi ako nagpapahatid sa bahay o nagpapasundo sa kanya dahil alam ko magagalit si Mama. Sabi niya focus daw muna ako sa study bago magboyfriend. Napaka strict din kase ng mama ko sa’min dalawa ng kapatid ko. Simula kase ng mamatay si Papa siya na ang nagtrabaho at nag alaga sa’min. Nakita ko kung gaano siya naghirap para mapalaki kami ng maayos ng kapatid ko kaya siguro ganun nalang siya ka strict pagdating sa buhay ko.

Naghihintay pa rin si Yori sa isasagot ko. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kung sabihin sa kanya, alangan naman sabihin ko kaya hindi ko pa siya sasagutin dahil kay Black Heart, tiyak magwawala na naman ang lalaki ‘to ng dahil sa selos.

Nabaling ang atensyon namin ni Yori sa isang batang umiiyak dito sa cover court kung titignan isa siyang elementary student. Nilapitan ito ni Yori at tinanong kung bakit ito umiiyak. Parang bigla ako nakahinga dahil sa nangyari. Lumapit na rin ako sa kanila.

“K-kase po *sniff* h-hindi n-nila ako *sniff* pinapasali sa laro” turo niya sa isang grupo ng mga bata na nakatingin sa’minn gayon. Nilapitan ko ang mga batang iyon at tinanong kung ano ang nilalaro nila.

“Tagu-taguan po” sabi sa’kin ng batang babae. ANg cute niya ang taba taba kase ng pisngi.

“Oh bakit ayaw niyo pasalihin siya sa laro?” turo ko sa  batang umiiyak. Tinignan naman nila iyong bata na ngayon patuloy pa rin sa pag iiyak at pinapatahan na ni Yori.

“Kase po siya ang taya pero ayaw naman niya” eh? So kasalanan naman pala ng batang iyon. Lumapit sa’min si Yori at pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Kinausap ni Yori ang bata.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now