<3 Chapter 40

6.4K 127 29
                                    

_Inoue's POV_

 

"Alam mo ba ni isa walang nangahas na yakapin ako!" nakayuko lang ako habang heto siya pinagtataasan  ako ng boses. Ano bang drama niya at bakit parang ang bigdeal naman ng yakap na iyon.

"I-N-O-U-E huwag mo na ulit gagawin iyon!" sobrang pulang pula na talaga ang mukha ko sa kahihiyan. Waah bakit ko ba kasi siya niyakap. Sinapian ba ako ng kung anong maligno at naisipan kung yakapin siya. Nakakahiya talaga.

"S-sorry"  tanging nasabi ko at nanatili pa rin akong nakayuko. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa hagdan. Tumayo na siya at tsaka bumaba ng hagdan after ng ilang segnudong katahimikan. Ako naman nanatili pa rin nakayuko,m-mukha kasing wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya huhu.

"Ang totoo niyan...ikaw ang... unang tao na gumawa sa'kin niyan...

after ng gabing iyon" napaangat ang ulo ko sa sinabi niya. Nakita ko siyang nakatingin sa'kin na hindi maipaliwanag na expression. Sa nakikita ko para siyang masaya na may lungkot o galit. Halo halo ang emosyon na nakita ko sa mukha niya kaya hindi ko maintindihan kung ano ang tunay niyang narraamdaman.

"S-saito" tanging nasabi ko. Bigla ko naalala ang nakaraan niya. Ang nakakakilabot na pangyayari ginawa niya sa buhay niya. Ang patayin ang mga magulang niya. Nanibago ako sa naramdaman ko. Bakit dati pagnaalala ko kung sino ang kaharapan ko ngayon. Na siya si Black Heart na isnag killer at walang pusong nilalang agad agad ako nainigas ng dahil sa takot. Takot na baka anytime kunin niya ang buhay ko. Takot sa isang maitim na aurang laging bumabalot sa kanya. Ang mga ganung pakiramdam na nararamdaman ko ay unti unting naglaho. Siguro dahil unti unti ko na rin siya nakikilala.

Sabi nila wala siyang puso...pero bakit iba ang nakikita at nararamdaman ko?

Nakikita ko at nararamdaman kong may puso siya...mabait din siya.

Sabi nila isa siya killer...bakit parang iba na rin ang nakikita ko? 

Kung killer siya, dapat pinatay na niya ako...pero hindi instead lagi niya ako nililigtas.

Sabi ko nga di ba? Isa akong observant na tao...at gaya ng sinabi ko noon...si Black Heart lang ang hindi ko mabasa...bakit? Dahil siguro bago ko pa siya basahin, hinusgahan ko na siya. Inisip ko na masama siyang tao at nakakakilabot.

Gusto kong bagohin iyon...alam ko na isa siyang mabuting tao na nangangailangan lang ng pagmamahal at mamahalin.

"Saito" tawag ko ulit sa kanya. Tumingin siya sa'kin. Matagal ko na rin siyang kasama pero ni isang beses hindi ko nagawang tanongin siya sa ganitong bagay. Humarap ako sa kanya at tinignan ko siya ng buong lakas at tsaka tinanong ang bagay na matagal ng nagpapagulo sa utak ko simula ng makilala ko siya.

"Saito Saga" nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Hinihintay niya ang  sasabihin ko.

"I-ikaw ba talaga a-ang pumatay s-sa mga magulang mo?" After kong tanongin iyon, hindi na ako umiwas ng tingin sa mga mata niya. Nakita ko ang gulat na expression sa mga ito. Maya maya unti unti niya inilapit ang mukha niya sa'kin tsaka tumingin sa'kin ng seryoso pero unti unti din napalitan ng isang kakaibang ngiti.

"Kung sabihin kong...hindi

 

 

maniniwala ka ba?"- Saito

Ang lakas ng tibok ng puso ko ng sabihin niya iyon. Hindi ko maintindihan pero halos kulang nalang magtatalon ako sa tuwa ng marinig mismo sa kanya ang mga iyon. Hindi ko na naman napigilan ang sraili ko at hinawakan ko ang kamay niya tsaka nagtatalon sa tuwa.

"Sabi ko na eh, hindi ka talaga masama" Paulit ulit na sinasabi ko. Dahan dahan niya hinugot ang kamay niya sa pagkakahawak sa'kin at tsaka ipinasok iyon s abulsa niya. Sabay tingin ng seryoso ulit sa'kin. Napahinto ako sa pagtatalon ng makita ang mukha niya.

Grabee talaga nakakatakot talaga siya pag iyan expression ang pinapakita niya sa'kin.

Nag smirk siya "Don't forget, ako si Black Heart...means I'm a liar also" - Saito. Tapos niyang sbaihin iyon naglakad na naman siya palayo sa'kin. AKo naman hindi makagalaw ng dahil sa sinabi niya.

loading! buffering! na naman ako

"Did he say na siya si..

.

.

.

.

.

.

AMALAYER?"- Inoue

O_O

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now