<3 Chapter 64

5.5K 98 12
                                    

[Black Heart’s POV]

                                                       

Pasakay na si Saito sa motor bike nito ng harangin siya ng sampung kalalakihan habang may hawak hawak na mga bakal. Tinignan niya lamang ito at parang hindi man lang natinag sa dami ng mga taong nasa harapan niya.

“Black Heart!” maangas na tawag ng isa sa kanila habang pinapalo palo pa ang bakal sa palad nito. Hindi siya nakaramdam ng takot, nanatili lamang siyang kalmado sa mga nangyayari.

“Sumama ka sa’min” humarang naman ang isa sa daraanan ni Black Heart. Papatakbuhin na sana ni Black Heart ang motor ng mapansin niyang flat ito.

“Hahaha wala ka ng kawala! Kaya sumama ka nalang sa’min” halos magkakasabay na sabi nito. Dahan dahan naman tinanggal ni Saito ang suot na helmet at tinignan ng masama ang mga ito.Nakita niya ang takot sa mga mukha nito ng makita ang itsura niya. Halatang mga duwag at mahihina ang mga ‘to.

“Bakit ganyan ka makatingin Tan**** dukutin ko iyang mata mo eh!” tumingin siya sa nagsalita tsaka binato ng pagkalakas lakas ang helmet na hawak, nasapol ito sa mukha at agad na nawalan ng malay.Ang ayaw ko sa lahat ay ang nagpupumilit na maging matapang kahit hindi naman.

Napaatras ang ilan na parang nasindak sa ginawa niya pero iisa lang ang nanatili hindi natinag at iyon ang pumigil sa pag alis nito kanina. Agad tinutukan ng baril ng lalaki si Black Heart sa mukha.

“Sumama ka sa’min kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo” parang hindi pa rin nasindak si black heart sa pagbabanta nito at nanatili nakatingin sa kanya ng seryoso.

“Palitan niyo ang gulong ng motor ko kung ayaw niyong patayin ko kayo ngayon lahat” pagbabanta nito at seryoso seryoso ito sa sinabi. Parang naginig sa takot ang lahat sa sinabi niya at hindi nila alam ang gagawin.

Nainis ng lalaki sa inasta ni Black Heart at nakalabit nito ang baril, gumilid lamang si Black Heart na parang hindi natakot sa kamatayan sumusundo sa kanya ngayon. Hindi siya natamaan ng baril pero nainis siya sa ginawa ng lalaki kaya wala wala ano ay kinuha niya ang baril na nakatago sa likod nito at agad na itinutok sa lalaking may hawak ng baril. ANg lakas ng loob nitong barilin ako ah! Pinaputok ni Saito ang baril pero sinugurado niyang hindi matatamaan ang lalaki, parang pananakot lamang ang ginawa niya. Napa upo ang lalaki sa ginawa ni Saito.

“Boss” sigaw ng lahat. Hindi na natiis ng iba ang magalit lalo sa ginawa ni Black Heart kay magkakasunod na silang sumugod kay Black Heart para patamaan ng bakal na hawak hawak nila. Nailagan niya ang mga ito at agad na pinatulog ang iba hanggang sa tatlo na lamang ang natira, ang iba nakahiga na sa sahig.

“Sabi ko palitan niyo ng gulong ang motor ko” parang kidlat ito magsalita na siyang nagpaniging ng takot sa tatlo.

Hindi nakagalaw ang tatlo ng dahan dahan lumapit si Saito sa kanila. Siya si Black Heart at mababa lamang ang temper nito kaya sa inis ay hinawakan niya ang kwelyo ng dalawa at balak sana e-untog sa isa’t isa ng matigilan siya sa narinig.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now