<3 Chapter 38

7.7K 146 19
                                    

_Inoue's POV_

Dahan dahan ko minulat ang mga mata ko, medyo na silaw ako sa liwanag ng ilaw. Tumingin ako sa paligid, teka nasaan ako? Puro puti ang nakikita ko, isang kulay blue na sofa ang nakita ko malapit sa pinto at sa tabi ko naman isang lamesa na may bulaklak na nakalagay rito at puro prutas, mansanaa, saging at orange. Meron din mineral water na nakalagay.

"Sa wakas na gising ka na rin" Agad ako napatingin sa harapan ko. Nakita ko si Yori, seryoso siyang nakatingin habang naka crossed arm. Dahan dahan akong umupo sa higaan.

"N-nasaan ako?"-Inoue

"Nasa Hospital ka"-Yori. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"H-hospital? Gaano na ako katagal dito?"-Inoue

"Almost six months, na comatose ka, Inoue"-Yori

"C-comatose?" Tumango lang siya. Dahan dahan siyang lumapit sa'kin.

"Wala ka bang naalala sa nangyari sa'yo?"- Yori. Napa isip ako bigla. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang lahat ng nangyari at iisang tao lang ang nasa isip ko..

B-black Heart

"Oh My! Don't tell me Inoue na may Amnesia ka?" -Yori. Nagulat ako ng bigla nalang siya nagpanic tapos tinanong ako ng kung ano ano. Tulad nalang kung naalala ko ang pangalan ng boyfriend ni Taki. Umiling lang ako, sa pagkakaalala ko kasi walang boyfriend ang bestfriend ko.

"Confirmed! May Amnesia ka nga" Ha? Amnesia? Ano bang pinagsasabi ni Yori, eh buong buo naman ang alaala ko. Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto at nakita ko agad si Taki.

"Inoue!" -Taki. Agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Kaasar ka! Pinag alala mo ako" -Taki. Nararamdaman ko sa yakap ni Taki na sobra siyang nagalala sa'kin.

"S-sorry" - Inoue.

"Takin! Takin!"- tawag ni Yori.Napahiwalay kaming dalawa sa pagyakap sabay punas sa mga luha namin.

"Oh bakit?" -Taki. Hinila niya si Taki palayo sa'kin.

"May problema tayo"-Yori. Kahit na lumayo sila ng kunti sa'kin. Dinig ko pa rin pinag uusapan nila. Anong problema kaya nag sinasabi ni Yori.

"Ano?" makikita sa mukha ni Taki ang pag aalala. Tumingin silang pareho sa'kin at ako naman nakatingin lang din sa kanila. Dahan dahal lumapit si Yori kay Taki at parang may binulong dahilan para mapatakip ng bibig si Takin at dahan dahan siyang tumingin sa'kin. Makikitang nagbabadya ulit ang mga luha niyang lumabas. Kinabahan naman ako. Mukhang mabigat na problema ata ang sinabi ni Yori.

"I-Inoue"- Taki. Nasa tabi ko na siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"K-kilala mo ba a-ako?" Kinakabahan tanong niya. Ano bang klaseng tanong iyan? Bigla ko naalala ang nangyari kanina sa'min ni Yori. Hindi ko na napigilan at natawa na ako ng sobra.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now