<3 Chapter 61

6.7K 135 22
                                    

[Inoue’s POV]

 

Sa pag labas ni Taki sa restroom halos panghinaan ang mga tuhod ko sa mga nalaman ko. S-si Taki? Si Taki ba a-ang tinutukoy mo?  Parang nainikip ang dibdib ko at nanghihina. Lumabas ako ng restroom at napaupo sa hagdan na malapit dito. Napayuko ako at napahawak sa dibdib ko. Bakit naninikip ang dibdib ko, nararamdaman ko ang sakit. Nasasaktan ako at ayaw iyon tanggapin ngayon ng buong pagkatao ko.

“Inoue?” dahan dahan ko iniangat ang ulo ko at tinignan ang lalaking tumawag sa pangalan ko. Nagulat ito ng makita ang itsura ko, siguro mukhang nakakaawa nga ako ngayon.

“Okay ka lang ba?” pag aalalang tanong nito. Napakagat ako sa labi na parang pinipigilan kong umiyak. Ayaw ko, ayaw kong umiyak sa totoo lang, dahil ayaw ko na rin tanggapin pa na iiyak ako ng dahil sa nalaman ko, ng dahil nalaman ko na si Taki pala...s-si Taki nga ba? Hindi ko na napigilan pa ang sakit at mukhang hindi ko na mapipigilan pa ang mga luha ko na tumulo.

“Inoue” sinubukan nitong hawakan si Inoue pero hindi na nito nagawa ng yumuko na ulit itodahil sa hinid mapigilan na pagpatak ng mga luha. Bakit ang sakit? Ang sakit sakit talaga ng puso ko ngayon. Kung si Taki pala ang gusto niya noon pa bakit ako ang ginawa niyang slave? Bakit hindi nalang si Taki? Bakit ako pa?

Pero ang hindi ko matanggap eh kung bakit ganun treatment ang ginawa niya sa’kin? Bakit prinoprotektahan niya ako? Bakit ganun na lang siya mag alala sa’kin? Kasinungalingan lang ba lahat ng nakita ko sa kanya. Gulong gulo ang isipan ko. Hindi ko maintindihan ang lahat.

Hinatid ako ni Riku sa bahay, sinamahan niya lang ako. Siya nagdala ng mga gamit ko, hinayaan ko nalang siya na gawin iyon at hindi siya pinigilan. Parang nagiging blanko ang utak ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang lahat at hindi ako makapag isip ng maayos ng dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko banda sa dibdib.

“Inoue” hinawakan niya ang braso ko at hinayaan ko rin lang gawin niya iyon.  Nakita ko binuksan nito ang gate at pumasok kaming pareho.Kahit ang pagpasok niya sa loob hinayaan ko na rin. Parang sinasabi ko na rin na kahit ano man gawin niya ngayon wala akong pakialam. Wala na akong pakialam! Wala na! ANg gusto ko lang pakialaman ay ang puso ko. Bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko?

“Susunduin nalang kita bukas, magpahinga ka na Inoue” hindi ako umimik at napabuntong hininga si Riku. Inilagay niya sa lamesa ang mga gamit ko. Halos buong gabi na naman akong umiyak, ganun ba talaga? Sa sobrang sakit na nararamdaman mo ayaw na rin magpapigil pa ng mga luha mo?

Gaya ng sinabi ni Riku sinundo nga niya ako kinabukasan at inihatid sa school.

“Magang maga ang mga mata mo Inoue”- Riku. napuna nito ang pamamaga ng mga mata ni Inoue. Gaya kahapon wala pa rin itong imik. Ang totoo niyan wala sana siyang gana pumasok ngayon dahil sa mga nalaman kahapon pero sa tingin niya kailangan niyang malinawan. Inisip din niya na baka coincidence lang ang lahat at baka siya ang tinutukoy ni Saito at hindi si Taki.

Hindi ako mapakali,gusto ko na siyang makita. Iyon ang nararamdaman ko ngayon gustong gusto ko siya makita para malaman ko kung ano ba ang totoo? Si T-Taki ba talaga ang gusto niya? Kasama ko si Riku kahit sa paglalakad, mukhang wala siyang balak na iwanan ako. Napako ang mga paa ko ng bigla ko siya makita. Lalapitan ko na sana siya ng...ng...napahinto ako. H-hindi ako makapAniwala sa nakikita ko ngayon, para akong nanigas at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, ang mga mata ko ay nanatili lamang nakatingin sa kanilang dalawa, sa dalawa na magkayakap ngayon. Mas lalo dumiin ang sakit na kahapon ko pa nararamdaman sa nakikita ko ngayon. S-si Taki a-at si Black Heart, magkayakap? Parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now