<3 Chapter 80

6.1K 199 71
                                    

[Onyo’s POV]

 

“Ano ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Rika. Ngumiti ako ng malapad sa kanya.

“Nandito ako para kunin ka, Rika” Nagulat siya sa sinabi ko. Tumingin siya sa paligid. Nandito kami ngayon sa Phil University.

“Lilinawin ko lang, hindi na Rika ang pangalan ko kundi Mayumi!” Pagtama nito. Mayumi? Ang layo naman ng Mayumi sa Rika. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ang tagal niyang nawala, almost One year tapos ganito pa ang gagawin niya? Kaya pala hindi ko siya mahanap dahil nagpalit siya ng pangalan.

“Pwede ba Rika, huwag mo ko pinagloloko, Sabihin mo sa’kin paano naging Mayumi ang pangalan mo ha?” Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. Please  Rika sabihin mo. Sabihin mo. Umiwas siya ng tingin sa’kin.

“Isa na naman ba ito sa mga trabaho mo?” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. So totoo nga, isa na naman ito sa mga mission niya.

“Asar! Utang na loob Rika, sinabi ko na sa’yo na umalis ka na sa trabaho iyan! Nilalagay mo lang sa panganib ang buhay mo!” Naitulak niya ako ng bahagya para makawala sa pagkakahawak ko sa mga braso niya.

“Hindi i-ito mission o t-trabaho, iyon talaga ang t-totoo, ako si Mayumi Tambushi” Nauutal siya habang nagsasalita. Kilala ko si Rika, pag ganyan siya ibig sabihin nagsisinungaling siya.

“Rika, sakin ka pa talaga nagsinungaling? S atingin mo maloloko mo ako?” Hindi siya umimik. Nilalayo niya ang mga mata niya sa mga mata ko. Nnag dahil sa ginagawa niya mas lalo lamanglumalakas ang hinala ko na isa na naman ito sa mga trabaho niya, mga trabaho mapanganib. Hindi pa rin siya umalis sa orginazation na iyon, hanggang kailan ba siya doon. Habang buhay na lang ba siya papatay, habang buhay na lang ba siya magiging sunud sunuran sa demoyong organization na iyon! D***! Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng classroom.

“O-onyo s-saan mo ko d-dalhin?”- Rika. Tinignan ko siya ng seryoso.

“Sinabi ko na sa’yo hindi ba? Nandito ako para kunin ka, u-uwi na tayo sa lugar na’tin” Ang lugar kung saan mapayapa kami namuhay ni Rika. Si Rika ay fiancée ko, malapit na kami ikasal kung hindi lamang namatay ang papa. Sinisisi siya ng buong kamag anak ko sa pagkamatay ni Papa. Nang dahil sa kanya kaya walang awa pinatay si Papa. Inaamin ko,nagalit din ako kay Rika, hindi ako bobo para hindi malaman na ang mga kasamahan ni Rika sa trabaho ang  maygawa nun sa pamilya ko. Umalis siya ng dahil doon, pinalayas ko siya.Sa sobrang galit ko ng dahil sa pagkamatay ni Papa kaya nagawa ko ang bagay na iyon na ngayon ay sobra ko pinagsisihan.

Hinablot ni Rika ang kamay niya sa’kin, na siyang kinagulat ko.

“R-rika” Nakayuko lamang siya.

“Tumigil ka na Onyo! Hindi ako sasama sa’yo” Tuamlikod siya sa’kin at plano na niyang umalis. Pero hindi ko iyon pinayagan.

“Rika, please s-sumama ka na sa’kin” Nakikiusap na ako sa kanya.Nagsusumamo na bumalik na siya ulit.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now