<3 Chapter 66

5.7K 107 10
                                    

 Sabi nila di daw mabasa ang mga private parts ng BH. Kung di niyo mabasa pumunta po kayo sa profile ko nasa all about me ang mga links ng Special Chapter, Chapter 62 and 65 pati na rin ung mga susunod na Private chaps

[Inoue’s POV]

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga sinabi sa’kin ni Riku.Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa lahat ng mga sinabi niya. Basta alam ko naawa ako, awang awa ako kay Riku, sa lahat ng mga dinanas niya.

“Kaya nga pinangako ko sa sarili ko na bibigyan ko ng hustisya ang kamatayan niya” Punong puno ng galit, hinagpis ang mukha nito. Napasigaw si Inoue ng dahil sa sumunod na ginawa ni Riku, sinuntok niya si Saito.

“Waaah Riku”- Inoue

“Naging miserable ang buhay ko ng dahil sa’yo!!”- Riku. Isang suntok muli ang pinakawala nito at pinatama sa tyan ni Saito.

“Riku tama na!” pagmamakaawa ni Inoue. Hindi niya alam kung bakit kailangan niya magmakaawa dito na huwag saktan nag lalaking kumitil sa buhay ng lolo niya. Basta ang alam niya nasasaktan siya, lalo na sa nakikita. Hindi pa rin gumagalaw si Black Heart sa mga nangyari.

“Tama na iyan, Riku” tumingin si Riku kay Lek na ngayon ay mayhawak na baril habang hinihit pa ang yosing ginamit at itinapon din agad sa tabi. Lumapit si Lek sa’kin at hinawakan ang balikat ko na agad ko tinabig. Napangiti lamang ito sa ginawa ko.

“Tama na iyan, mas maganda pumunta na tayo sa napakagandang parte ng palabas” tumingin siya sa’kin at tsaka pinakita ang isang baril.

“Hawakan mo”utos nito. Hindi ko siya sinunod.

“HAWAKAN MO SABE!” Sigaw nito at siya na mismo ang naglagay ng baril sa mga kamay ko at inayos ito, tinutok niya ang baril kay Saito.

“Namatay ang papa ni Riku dahil sa kanya at ngayon namatay din ang lolo mo ng dahil din sa kanya, Inoue” patuloy an nanginig ang buo kong katawan sa mga pinagsasabi niya, nanginig ako sa galit, galit ng dahil sa ginawa ni Balck Heart at  sa takot, sa takot na baka saan ako dalhin ng galit na’to.

“KILL HIM!” Muling sigaw nito sa’kin. Naitutok ko kay Saito ang baril. Bakit? Bakit mo nagawa sa’kin ‘to? Bakit? Sabi mo mahal mo ako? Pero bakit mo piñatay ang lolo ko? S-saito?

“PINATAY NIYA ANG LOLO MO! PINATAY NIYA ANG MAGULANG NI RIKU!” –Lek. Mulang paglalason nito sa utak ni Inoue.

“Bakit?” Napapikit at napasigaw na ito sa halo halong emosyon na nararamdaman hanggang sa

*Bang*

Napadilat si Inoue sa narinig, narinig niya ang putok ng baril at nakita niya na tumama ito sa dibdib mismo ni Saito. Manginig nginig nitong binaba ang baril. N-naiputok ko? N-naiputok ko ba? H-hindi! Hindeee!

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now