<3 Chapter 35 "His Name"

7.3K 129 11
                                    

(Si Juro po ay ang father ni Saito sa papel lang ,siya po si Mr.President ng phil University. Lilinawin ko lang po hehe hindi po ito ang  tunay na ama ni Saito, patay na po iyong parents niya remember. Si Juro lang po ang nag alaga at naging tataytayan ni Siato. Gets niyo na po?)

_Juro's POV_(Mr.President)

Nagulat ang ama ni Saito ng maki

ta ang itsura nito habang nakaupo sa sofa ng office. May dugo  ang kamay nito maging ang mukha nito.

"What happened, son?" Pag aalala tanong nito. Hindi umimik si Saito. Makikita ang galit sa mga mata nito. Nakita niyang mas lalo kumuyom ang kamao nito sabay kuha ng vase na nasa table at agad itinapon sa sahig dahilan ng pagkabasag nito.

"Huminahon ka Saito" Utos nito sa anak. Tinignan lamang siya ng masama nito. Bakit lagi nalang siya ganyan kung makatitig sa'kin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago muli nagsalita.

"Ano ang nangyari at bakit may dugo ang mga kamay mo?" Nakatayo siya sa harapan ni Saito habang kinakausap ito.

"Give me the next Target!"- Saito. Napahigpit ang hawak ko sa envelop. Ayaw ko sanang ibigay ito dahil alam ko maaring malagay siya sa panganib

"Saito, sabihin mo sa'kin ang nangyari...may kinalaman na naman ba ito kay Ms. Kagawa" sinubukan kong ibahin ang topic pero parang wala siyang naririnig ngayon. Nakaangat ang kamay nito at hinihintay ang envelop para sa susunod na trabahong gagawin nito.

"No Saito, tama na 'to" Itinapon ko ang envelop sa basurahan. Sa nakita niyang iyon mas lalo nanlisik ang mga mata nito.

Dahan dahan siyang tumayo habang isang ngiti ang binigay nito sa'kin. Mga ngiting makikita sa loob nito ang galit. Naglakad siya papalapit sa envelop na binasura ko at susubokan sana itong kunin ngunit pinigilan ko siya.

"Son" nakikiusap ako sa mga mata nito na huwag niyang ituloy. Pero hindi siya nakinig at kinuha muli ang envelop. Wala na akong nagawa, hindi ko rin siya mapipigilan.

"Ito na ang trabaho ko  since I became Black Heart" -Saito. Naglakad na ito palabas ng kwarto. Napaupo si Juro sa kanyang upuan at hinilot ang ulo nito. Tinignan muli ang larawan na nasa wallet nito. Ang larawan ng kanyang pinakamamahal.

"Hindi ko siya magawang protektahan....patawarin mo sana ako, Aiko" -Juro

 

_Inoue's POV_

Nakaganun  pwesto pa rin ako. Nakatakip ang mukha sa mga palad ko at patuloy na umiiyak. Napatigil ako ng may humawak sa dalawang balikat ko at dahan dahan akong tinulungan makatayo.

"Taha na, Inoue" Nakita ko si Riku na bakas sa mukha nito ang lungkot. Hindi ko mapigilan ang tanongin siya ngayon.

"Alam mo ba na gagawin nila sa'kin 'to, Riku?" Pinupunasan ko na ang mga luha ko ng tumango si Riku.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now