<3 Chapter 34 "Evil Plan"

7.9K 162 28
                                    

Chapter 34 “Evil Plan”

_Inoue's POV_

“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Riku. Nasa gitna kami ng cover court at ito hila hila niya ang kamay ko.

“Sa Club, my meeting tayo ngayon” Sabi niya, bigla nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Aa-ano? Me-meeting? Agad ako napahinto sa paglalakad at ganun din siya sabay tingin sa’kin

“Oh may problema ba?” pag aalalang tanong niya.

“Oo meron! Malaki” tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. Napakaunot naman ang noo niya.

“Ano naman iyon?”-Riku. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyan nagsalita.

“Bulag ka ba talaga Riku? Hindi mo ba nakikita o napapansin man lang na may mga saltik iyong members  ng club na iyon”

“Hindi naman” napanganaga ako sa sinabi niya. A-ano? H-hindi niya nahalata iyon? So bulag nga siya o baka naman ka uri din nila ang gwapong nilalang na’to. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at bumalik ulit sa ulo hanggang sa Makita ko siyang nakangiti sa’kin at sabay… kurot s apisngi ko? OUCH!

“Ang cute mo talaga Inoue, tara na nga” magproprotesta pa sana ako ng hawakan niya ulit iyong wrist ko pero hindi na ako nakapalag kasi bigla siya tumakbo at hila hila ako huhu.

 Nang Makita ko ang abandunadong building ditto sa phil university, bigla ako nakaramdam ng pangingilabot. Naisip ko bigla, mas ok na makakita nalang ako ng multo kesa Makita ang mga baliw na iyon.

“Ah R-riku, u-uwi na ‘ko” Pagpaalam ko sa kanya sabay talikod pero hinawakan niya naman iyong body bag ko na bag kaya napahinto ako sa paghakbang.

“Halika na Inoue” sabay hila sa’kin papasok sa building na iyon. Hindi pa nga ako tuluyan nakakapasok naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga baliw huhu nakakakilbot naman oh.

Pumasok na kami sa dating kwarto kung saan nagme-meeting ang Anti Black Heart Club. Sino ba kasi ang bumuo s agrupong ‘to? Kabanas! Nasali ako? Eh w-wala n-naman akong galit kay S-saito ah. Oo aaminin ko minsan naiinis ako sa kanya pero hindi naman talaga ako galit sa kanya.

“Yow,Riku!” napatingin ako sa lalaking papalapit sa’min ngayon ni Riku at ito naman si Riku lumapit din at nakipag apir pa sa kanya. Kung titignan mo silang dalawa, parang matagal na silang magkakilala

“Yow, Lek”-Riku. Tawag niya doon sa lalaking tumawag sa kanya kanina. Habang busy akong pagmasdan silang dalawa nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng feeling ko kanina pa nakatingin sa’kin. Nang ma clear ko ng maayos ang mukha niya, agad ako napangiti at kinawayan siya pero ng makita niya iyong ginawa ko, ngumiti rin siya pero agad umiwas ng tingin.  Problema ni Faye?

“by the way this is Inoue”-Riku. Napatingin ako kay Riku ng banggitin niya ang name ko.

“Wow, so ikaw pala si Inoue” inilahad niya ang kamay niya sa’ki para makipagkamay, ngumiti lang ako. Don’t tell me kwenekwento ako ni Riku sa lalaking ‘to?

“pare ang ganda niya” pabulong na sabi ni Lek kay Riku, natawa ako ng batokan siya ni Riku sabay sabing

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now