<3 Chapter 74

4.5K 103 13
                                    

[Inoue’s POV]

 

“Masakit pa rin?” Namula ako ng makita si Saito at ang lapit lapit ng mukha nito sa mukha ko habang nakatingin sa labi ko na may sugat. Nakuha ko ang sugat na ‘to dahil sa walangyang kingkong na iyon! Nasa Hospital kami ngayon, two days na kami hindi pumapasok ni Saito, pinapagaling ko pa kase ang pilay ko sa paa. Tama two days na ang nakalipas matapos ang mga nangyari, ang ginawa ni Yori at ng kasamahan niya sa’kin.

“Inoue, please nakikiusap ako huwag niyo na ipaalam pa sa mga pulis ang nangyari ‘to” Naalala ko na naman nag pakiusap ni Taki at kitang kita ko na namumuo ang mga luha niya. Hindi ako nakapagsalita sa gulat.

“A-alam ko mali ang gusto kong mangyari, pero Inoue” Hinawakan nito ang mga kamay ko.

“H-hindi ko kaya na makulong si Yori” Naririnig ko ang hikbi niya. Ganun niya talaga kamahal si Yori, ngayon ko lang nakitang ganito si Taki. Ganun ba niya talaga gustong protektahan si Yori?

Pumayag na lamang ako sa kagustuhan ni Taki. Hindi namin sinumbong ang ginawa ni Yori sa’kin, ang pagkidnapped niya. Ginawa ko iyon dahil kay Taki, para sa bestfriend ko. Hanggang ngayon nasa hospital pa rin si Yori. Hindi ko naman alam kung ano ang nangyare kay Eiji at sa mga tatlong kasamahan ni Yori. Basta iniwan nalang namin sila doon sa building at mabilis na idinala si Yori sa hospital.

Halos mapasinghap ako nung hawakan ni Saito ang lower lips ko. Waah ano binabalak niya? Ang lakas ng kabog ng puso ko, halos di ako nakagalaw at nanatili nakatingin sa mga mata ni Saito na malungkot na tinitignan ang  mga labi ko. Napalunok ako nung dahan dahan siya lumapit sa mukha ko pababa sa labi ko.

Dubdububdub dubdub dubdubdubudbubdub

Ang heartbeat ko mas lalo lumalakas. Napapikit na lamang ako at hinihintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

1 second

2 seconds

.

.

.

.

 5 second

Naghintay lamang ako na magdikit na ang mga labi namin pero wala. Nung dumilat naman ako nakita ko siya hinihipan ang labi ko kung saan may sugat. Kaya tuloy naamoy ko ang mabango niyang hininga.

“A-anong ginagawa mo?” Na weirduhan kase ako sa kanya.

“Hinihipan ang sugat mo para gumaling na”- Saito. Napangiti ako sa ginawa niya. Parang nakaramdam ako ng kilig. Nakangiti lamang ako sa kanya at ng makita niya iyon, nakita ko na namula siya at agad na lumayo sa mukha ko at umayos ng upo.

“Oh bakit ano problema?” Bakit siya huminto? Masama bang ngumiti at tignan siya.

“Tinutukso mo ba ako, Inoue?” Ha ano daw? Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Pinagsasabi mo?” Nakita ko na napatingin uli sa labi ko si Saito at maya maya ay napamura ito at agad na umiwas ng tingin.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now