<3 Chapter 24

8.9K 164 38
                                    

 Dedicated sa'yo ^^ Thanks sa support ah! Sa comment and Vote!

_Taki's POV_



Hindi ko na kaya, feeling ko sasabog na ako. Gusto ko ng magtapat kay Black Heart. Mahal ko talaga siya, nababaliw na ako, lagi ko nalang siya napapaniginipan gabi gabi.

Naiinis na talaga ako, bakit ba kasi nabaliw ako sa kanya ng ganito. Hindi ko ‘to gusto, aaminin ko na ayaw ko ng ganitong pakiramdam.  Totoo nga ang sinasabi nila nakakabaliw ang magmahal.

Ako si Taki Nagano, inlove sa kilalang Black Heart ng  Pilipinas.

 Nandito ako ngayon sa parking lot, nagtatago sa likod ng puno habang hinihintay siya. Nakita ko ang bike niya na nakapark hindi kalayuan sa’kin. Hinihintay ko lang ang pagdating niya, para mabigay ko na ‘to sa kanya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, kanina pa ako di mapakali. Ganito pala ang pakiramdam ng isang taong magcoconfess sa taong  mahal niya.

“Inhale...Exhale...Inhale...Exhale...Go Taki, kaya mo iyan!”  Pinapalakas ko ang loob ko. Hawak hawak ko ang isang pink na envelop na nilalaman ng Love letter ko para sa kanya

Napag isip ko na isulat nalang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, kahit ang feelings ko. Alam ko kasi na kapag kaharap ko na siya. Bigla nalang uurong ang dila ko at di na naman makakapagsalita.

Kahit alam ko na ang magiging resulta ng lahat ng ‘to. Gusto ko pa rin ituloy, dahil ito lang ang naiisip kong paraan para magising sa katotohanan. Kahit na bulgaran ng nakatapat sa pagmumukha ko na ang katotohanan ay...

 Hindi niya talaga ako mahal”

Pero umaasa pa rin ako, na baka mahalin niya rin ako. Kung makikilala lang niya ako ng lubosan. Handa kong gawin ang lahat para sa kanya.

Bigla ko nalang naalala ang nangyari noon. Ang simula ng lahat ng ‘to, kung paano ko siya minahal at kung paano ako unti unting nahulog sa kanya.  Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyun.

 *Flash Back*

“Andiyan na si Black Heart!!” sigaw ng isang studyante kaya naman agad kami nagtago sa mga Classroom namin.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now