<3 Chapter 29 "Takin or Mine?"

8.2K 131 18
                                    

Ui haha! Thank you sa pagbabasa ^^ sana support mo lang po^^ 

_Taki’ POV_

 

 “Hay grabe busog na busog ako, Yum Yum!” Habang hinihimas himas niya ang tiyan niya. At heto ako nakapangbaba habang tumitingin sa itsura ni Yori. Hindi ko akalain na makakaubos siya ng tatlong platong rice at dalawang platong ulam. Hindi naman halatang gutom na gutom siya noh?

“Oo nga eh, H-halata” ngumiti ako ng pilit. Tumingin siya sa’kin.

“Ikaw, nabusog ka ba Takin?” Narinig ko na naman ang tinawag niya sa’kin.

“Pwede ba, tigil tigilan mo na ako sa pagtawag ng TAKIN! Nakaka inis pakinggan!” sabay irap. May pangalan naman ako, bakit kailangan pang ibahin ang pangalan ko. Nakakainis lang!

“TAKIN!” tumingin ulit ako sa kanya at piandilatan ko siya ng mata.

“TAKIN!” Talagang bang wala siyang balak ihinto ang pagtawag sa’kin niyan!

“TAKIN!” Nakangiti siya ng malapad habang ako asar na asar na.

*Blagh!*

Napahampas ako sa lamesa, hindi ko na matiis. Alam naman niya na ayaw kong tawagin niya akong ganun tapos inulit ulit niya pa! Nang aasar lang talaga ha!

“NAKAKAASAR KA NA TALAGA!” Kinuha ko na gamit ko tsaka nag walk out.

“MINE, wait lang!”-Yori. napahinto ako sa paghakbang. What did he call me?

“Sige, kung ayaw mong tawagin kitang Takin, susundin ko!” Napaharap ako ng wala sa oras sa kanya.

“Buti naman!” feeling ko nakahinga rin ako sa wakas sa sinabi niya. Masunorin naman pala si Yori eh. Akala ko habang buhay na niya akong tatawagin Takin. Kaya ng dahil doon napangiti ako ng malapad at ganun din ang ginawa niya

“Deal?”Tanong ko sa kanya sabay lahad ng kamay sa harapan niya. Tinignan niya iyon at agad hinawakan ang kamay ko.

“Wow ang lambot”-Yori. bulong niya pero narinig ko =_=. Umaandar na naman kamanyakan nito.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon