<3 Chapter 50 "I'm Sorry"

6.6K 118 6
                                    

 Dedicated sa'yo sorry kung ngayon lang hehe. Nakalimutan ko kase.

Sa mga readers miss niyo na agad sila Inoue and Saito? Huwag kayo mag alala magkakaroon din sila ulet ng moments heller kwento kaya 'to ni Black Heart. Mag focus muna tayo sa ibang characters para mapaganda pa ang kwento :D

[Taki’s_POV]

Nasa tapat ako ng bahay ni Inoue, seven na rin ng gabi. Ewan ko pero I think kailangan ko siya,kailangan ko ng malalabasan ng sama ng loob ng dahil sa Hinayupak na iyon. Pag naalala ko kumukulo talaga dugo ko. He denies me, irita siya! Di ko talaga papansinin iyon bukas. Burado na sa isipan ko simula bukas ang Yori Okinawa na iyon.

Parang natakpan lahat ng selos o inggit na nararamdaman nito kanina ng dahil sa ginawa ni Yori. Basta iisa lang ang nasa isip ko ngayon. Kailangan ko mailabas ang sama ng loob ko at sa iisang tao ko lang nilalabas lahat ng iyon, Kay Inoue lang, dahil bestfriend ko siya.

Nagdoorbell ako dalawang beses at nakita ko agad si Inoue.

“Taki” nagulat siya. Hindi niya expected na darating ako. Pumasok na ako agad sa bahay nila at agad na nagtungo sa kwarto niya. Napailing na tumingin sa’kin si Inoue nung agad ako umupo sa kama niya at napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.

“Argh nakakainis talaga!” kulang nalang umusok ilong ko sa sobrang inis na nararamdaman ko.

“Oh kalma lang best” hinagod niya ang likod ko. Ewan ko pero naiiyak ako sa sobrang inis talaga.

“Ano ba kasi ang nangyari?” pagaalalang tanong niya sa’kin.

“Kasi ganito iyon best”-Taki

“Wait lang, hulaan ko...dahil iyan kay Yori ano?” nakangisi siya habang tinatanong ito at parang kinikilig pa.

“Pwede ba Inoue, huwag mo siyang babanggitin” Kumukulo na talaga dugo ko pagnaririnig ang pangit na pangalan na iyan. I heard Inoue chuckled. Napataas ang isa kong kilay, nang makita niya iyon tumikhim siya at parang sinasabi na ituloy na ang sasabihin ko. So kwenento ko na nga sa kanya mula umpisa iyong sa part na tinanggi niya ko sa kaibigan niya tapos iniwan pa ako.

“LOKO IYONG LALAKING IYON AH!”-Inoue. Napatayo ito at napasigaw. Halos mabingi ako sa sigaw ni Inoue at halos umuusok na ang ilong nito sa sobrang galit ng dahil sa nalaman.  

“Ah best k-kalma lang” pagpapakalma ko kay Inoue.

“PAANO AKO KAKALMA? KUNG GANYAN ANG GINAWA NIYA SA’YO!” Nanggigil na ito at parang unti unti niya pinapatay sa isipan si Yori.  Nanatili na lamang akong tahimik, hindi na kasi ako makapagsalita dahil sa dami ng sinasabi niya ngayon. Ang alam ko kasi ako ang maglalabas ng sama ng loob ngayon eh pero bakit parang siya ang naglalabas ng sama ng loob para sa akin? Tss  >_>

Tumahimik na siya buti naman. “Tapos ka na best?” umupo na ito sa tabi niya ulit at sabay tumango. Mukhang napagod na sa kakasatsat.

“So anong plano mo ngayon?”-Inoue

“Hindi ko na siya papansinin, iyon lang” diretsahan kong sagot.  She poke may cheeks kaya medyo nagtaka ako sa ginawa niya.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now