<3 Chapter 37 "Phobia"

7.3K 156 26
                                    

Sorry sa matagal na update huhu. Exam kasi namin eh. Sana magustohan niyo update ko ^^ 

_Lek's POV_

 

"Sigurado ako boss, ito nga ang mga ibidensiya" Pinakita niya sa'kin ang mga larawan na nakuha lamang niya. Kasama nga ni Black Heart ang babaeng 'to.

"Inoue Kagawa, anong relasyon mo sa kilalang Black Heart" natanong ko sa aking sarili habang may ngiti sa mga labi. Ito na ba ang alas laban sa'yo, Black Heart.

"Nasaan ngayon ang babae?" Tumingin ako sa aking utusan at agad naman niya tinuro ang labas ng bintana. Tinignan ko kung sino ang tinuturo niya at nakita ko nga ang babae habang  naglalakad. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita kung sino ang nakasunod sa kanya.

Napangiti ako bigla. So Black Heart, lumalambot ka na ba ngayon? hahaha.

"Sundan natin sila" utos ko sa kanila at tsaka naglakad para puntahan ang kinaruronan ng dalawa. Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti, ngayon napatunayan kong maaring kahinaan ni Black Heart ang babaeng iyon at kung nagkataon, PATAY KA SA'MIN BLACK HEART.

Pumunta sila sa isang garden ng school, nagtago kami sa likod ng mga halaman habang pinagmamasdan at sinubukan makinig sa usapan nila.

"Alam kong mabait ka, kasi kung hindi bakit lagi mo ako tinutulungan" ng marinig ko ang sinabi ng babae, agad ako napasilip sa kanilang dalawa. Laging tinutulungan? Ibig sabihin nito, special nga ang babaeng 'to sa kanya.  Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nakita niya ako.

"Boss tago" hinila nila ulit ako patago sa halamanan. Halos lahat kami nakaramdam ng takot. Kakaiba talaga ang aura ng Demonyong 'to.

"Lets go, tama na lahat ng narinig at nalaman na'tin" sabi ko sa kanila. Paalis na kami ng may narinig akong sumigaw.

"INOUE!" Isang babaeng bakas na bakas ang pagkagulat at makikita ang takot sa mga mata nito na parang naiiyak na. Nakatingin siya sa iisang direksyon habang tumatakbo papalapit sa kinaruruonan ni Black Heart.

 Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Si Black Heart na nakayakap kay Inoue at nakita ko ang pagdaloy ng dugo sa katawan nito papunta sa sahig. Makikita ang isang nakakatakot at mala demonyo nitong mukha habang nakangiti.

"Anong ibig sabihin nito?" Nagulohan ako sa nangyari. Tinignan ko ang mga kasama ko na may pagtataka. Kahit sila nagulat sa nangyari.

"Palpak!" iyon nalang nasabi ko at umalis na kami sa lugar. Nagkamali kami ng hinala. Huminto ako sa paglalakad at agad na pinagbabatukan ang mga kasama ko.

"Mga gunggong! Mali ang mga hinala niyo!" Napakuyom ako sa nakita namin. Nakakaasar! ANg buong akala ko siya na, siya na ang maggaamit namin para makaganti kay Black Heart pero Potek! Mali kami Argh!

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now