<3 Chapter 30

8.4K 179 45
                                    

Natawa ako sa comment nita last chapty haha! As in lol! salamat po sa support!

_Inoue’s POV_

 “Inoue, may naghahanap sayo sa labas” tawag sakin ni Manag Liza. Nandito ako sa bahay kumakain ng breakfast.

“Sino daw po?” Tanong ko sabay kagat ng bread.

“Ayaw magpakilala eh” Ayaw? Bakit naman?

“Lalaki po ba o babae?”

“Lalaki” halos masamid ako sa ininum kong gatas ng malaman kung lalaki, bigla nalang kasi pumasok sa isipan ko si Black Heart. Takte baka siya iyon huhu TT_TT

“Manang e describe niyo nga po iyong nasa labas” request k okay Manang.

“Ah basta gwapo, maputi, matangkad, singkit ang mata, pointed ang ilong at iyong hairstyle niya parang pang Korean” Tumpak! Wala ngang duda, si Saito iyon.

*Dingdong*

Napatingin kaming pareho ni Manang sa labas.

“Inoue, kanina ka pa inaantay ng lalaki sa labas, labasin mo na kaya”

“Ayaw ko” bakas sa mukha ko ang takot.

“Anong itsura iyan? Mukha naman mabait ang tao at di ka kayang saktan kaya labasin mo na” Mabait? Sino si Saito? Eh unang tingin mo palang doon, ramdam mo na ang nakakatakot na mukha nito. Lagi kais magkasalubong ang kilay at ang mga mata nito parang any time kikitil ng buhay sa titig palang eh =_=

“Inoue, malelate ka na! Dali umalis ka na” Tinulak ako ni manang papuntang pinto.

“Ano ba naman iyan manang, makatulak naman oh!” Ngumiti si Manang sa’kin. Parang sinasabi na sorry at huwag daw ako mag alala. Mukhang mabait naman iyong lalaki sa labas. Takte! Facial expression palang ni Manang, ang dami ko ng nabasa?

Bago ako tuluyan lumabas sa bahay, sumilip muna ako sa labas. Medyo nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa pader habang hinahawakan ang bag nitong backpack na Jansport.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now