<3 Chapter 62

3.1K 62 6
                                    

[Saito's POV]

 

Mas lalo nito pinaharurot ang takbo ng motor bike, iyong tipong parang handa siyang salubungin si Kamatayan.

"Wala kang puso!" Inoue.  Patuloy na naglalaro sa isipan nito lahat ng mga salitang sinabi sa kanya ni Inoue. Hindi niya maintindihan ang sarili ngayon. Kung bakit naapektuhan siya sa mga sinabi nito. Normal na sa kanya na marinig ang mga salitang iyan. Simula pagkabata hanggang ngayon halos araw araw niya nadidinig at nakikita sa mga tao nakakasalubong niya ang mga salitang iyan. Sanay na siya sa katagang wala siyang puso dahil kahit siya iyon na rin ang tingin niya sa sarili.

"Wala kang Konsensiya!"- Inoue. Sa mga lumipas na panahon iyon ang tingin ng mga tao sa kanya at maging siya, iyon na rin ang naging tingin niya sa sarili niya pagkatapos ng gabi ng  incedente nangyari sa buhay at sa pamilya niya. Feeling niya ang puso niya ay naging isang mandhid, wala na siya maramdaman.

"Ikaw na ang pinaka masamang tao nakilala ko!"- Inoue. Sa unang pagkakataon after ng gabi iyon ngayon niya lang naramdaman ang hindi niya kayang ipaliwanag na pakiramdam, ang pakiramdam na parang unti unti naninikip ang kanyang dibdib sa lahat ng sinabi nito sa kanya. Ayaw man niyang tanggapin sa sarili niya ang tamang salita sa pakiramdam na ito, hindi pa rin mapagkakailang nasaktan siya,oo labis siyang nasaktan sa lahat ng mga sinabi ni Inoue.

Dumiretso ito sa isang sikat na shooting area  malapit sa tinitirhan  na pagmamay ari ni Juro ang President  ng Phil University, Phil Shooting, ang tawag dito. Pagkababa na pagkababa sa motor ay agad niya kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng upuan ng sasakyan.

Pumasok siya sa isang silid  at punong puno ng galit ang nararamdaman nito. Nagagalit siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganyan? Itinutok kaagad nito ang baril na hawak, sa papel na kung saan kailangan niya barilin dito ang target.  Sunod sunod na putok ang umalingaw ngaw sa loob ng kwarto.

"Ikaw si Black Heart!" kinakausap nito ang sarili.

"Wala kang puso di ba?" pero bakit ka nagkakaganyan? Bakit naapektuhan ka sa lahat ng sinabi niya. Naubos na ang bala ng baril kaya nilagyan niya ito muli ng bala.

Sa dinami dami ng nagsabi sa'kin niyan, bakit ngayon ko lang naramdaman 'to? Bakit ngayon ko lang naramdaman ang masaktan! Hindi niya pa rin tanggap ang katotohanan at sa sobrang galit baril lang siya ng baril hanggang sa sumigaw na ito. Naalala muli nito ang mga salitang ibinato sa kanya noong bata pa siya hanggang sa ngayon!

"WALA KANG PUSO!"

"KILLER!"

"DAPAT SAYO PATAYIN!"

"DEMONYO!"

Napahinto lamang ito sa pagbaril ng maubos na naman ang bala, at ng mangyari iyon agad niya tinapon ang baril na pagkalakas lakas sa lapag at sumigaw na lamang ito dahil pakiramdam niya sasabog na ito sa galit. Nakita niya ang punching bag na nakasabit di kalayuan sa kinaruruonan niya. Lumapit siya rito at  doon naman niya binuhos ang galit. Suntok lang siya ng suntok hanggang sa mapagod na lamang siya. Naghabol ito ng hininga ng dahil na rin siguro sa pagod, puno puno ng pawis ang katawan nito.

Muli niya pinagpatuloy ang ginagawa pagsuntok sa punching bag ng maalala ang mukha ni Inoue. Ang mukha nitong kitang kita kung gaano siya kinamumuhian at pinandidirihan. Sanay na siya sa ganyang mga tingin pero bakit ng si Inoue ang gumawa, iba ang naging impact nito sa puso niya. Parang nadudurog ito at hindi niya matanggap iyon.

"Because I love you" isang napakalakas na suntok ang pinakawala niya at halos masira nito ang punching bag ng maalala ang mga salitang binitawan kanina. Hindi niya alam ang salitang iyan pero bakit iyan ang lumabas sa bibig niya kanina? Kahit siya hindi niya alam.  Ngayon nagugulohan siya, mahal na nga ba niya si Inoue? Bigla siya napakuyom ng malaman ang sagot.

Napatingin ito sa pinto ng may nagbukas at pumasok dito. Tinignan lamang ito ng masama ni Saito at hinayaan na makapasok at maka upo sa sofa ang bisita. Pinagpatuloy nalang niya ang pagsuntok ng punching bag. May isang ngiti gumuhit sa bisitang dumating at lumapit ito kay Saito. Agad naman ito sinipa ni Saito banda sa dibdib. Ang ayaw niya sa lahat ay dinidisturbo siya sa ginagawa. Dahil doon halos hindi makahinga ang lalaki habang nakahawak sa dibdib. Tinignan lamang siya ni Saito, iniangat ng lalaki ang isang envelop

"T-teka lang *cough* *cough* nandito ako dahil may ibibgay ako" pagpapaliwanag nito. Ngayon wala pa siya sa mood tsaka pa dumating ang lalaking messenger. Ang lalaki magbibigay ng bagong trabaho gagawin niya. Dahil sa kanina niya pa gusto manakit ng tao, ang bisitang dumating ang pinagbuntungan niya lahat ng galit. Tumigil lang siya ng nawalan na ito ng malay.

Hinubad nito ang tshirt na suot upang magpatuyo ng pawis tsaka kinuha ang envelop na may mantsa pa ng dugo. Dugo ng lalaki kanyang binugbog. Tinignan niya ang nilalaman, nanlaki ang mga mata nito ng makita kung ano ang nakasulat.

"Kenziko  Tambushi?" Napakunot ang noo nito. Maya maya nagring ang phone nito at sinagot naman niya.

"Kill Kenziko Tambushi" Iyon lang ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya at ibinaba na nito ang telephone. Hindi maipaliwanag ni Saito ang nararamdaman lalo na ng mabasa ang last name ng papatayin niya.

"Tambushi?" Parang familiar sa kanya ang apelyedo iyon. Pero wala na siyang ganang isipin iyon dahil ang tanging laman ng isip niya sa mga oras na'to ay si Inoue, ang mga masasakit sinabi nito sa kanya.

"Siya na rin ang nagsabi, wala akong puso"- Black Heart. ngumiti ito na parang isang demonyo.  Mas lalo nabalot ng pagiging itim ang buong puso nito to the point na nagiging manhind na siya.

***

Nakalagay sa envelop ang araw kung kailan nito papatayin ang lalaking naka assign sa kanya. Hinanda na ni Saito ang mga gamit na dadalhin para sa gagawin trabaho. Maging ang sarili nito, wala na nga siyang konsensiya at puso dahil siya si Black Heart. Tanging nasa isip na lamang nito ay ang lahat ng mga masasakit na salitang natanggap mula kay Inoue kaya mas lalo niya ginusto matapos ang mission.

"Alam kong mabait ka" nakangiting sinabi ni Inoue noon kay Saito. Napahinto ito sa paglabas sa kwarto ng maalala iyon. Iyon ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng ganun salita after ng gabi ng incedente. Napahigpit ang hawak nito sa bag kung saan nakalagay lahat ng mga baril o ano pa man kagamitan gagamitin para sa mission.

He shake his head na parang sinusubukan burahin lahat ng alaala tungkol kay Inoue. Dapat di niya ito ngayon maisip, dapat maging concentrate siya sa mission.

Kenziko Tambushi, isang sikat na old business man, may ari ng isang sikat na corporation namamayagpag sa buong asia, kilala ang corporation sa paggawa ng mga sikat na sasakyan. Ang tawag sa naturang corporation ay walang iba kundi "Tambushi".

Hinanda na nito ang isang baril  na kikitil sa buhay ng sikat  na pangalan sa business industry. Nasa rooftop ito ngayon ng kalapit na building ng Tambushi corporation at hinahanda ang posisyon kung saan tamang masasapul nito ang ulo ng target upang dito patamaan ang bala. Kinuha muli nito ang papel at tinignan ang litrato ng lalaki papatayin. Itinutok niya muli ang baril at tsaka tinignan ng malapitan gamit ang scope. Tinignan niya ang mga nasa loob ng Tambushi building. Meron isang malaking pagtitipon nagaganap sa company dahil ngayon araw ipapakilala ng may ari ng corporation ang apon matagal ng nawawala.

Naghihintay na lamang ng tamang timing si Saito para barilin ang target pero natigilan siya ng sumunod na tumama sa iba ang scope. Hindi siya nakagalaw ng makita ang babae katabi ng matanda president ng kompanya.

"I-Inoue?" dahan dahan nito binaba ang baril at hindi makapaniwala sa nakikita.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon