<3 Chapter 71 "Yori Okinawa"

3.1K 60 4
                                    



[Yori's POV]

Nakaupo lamang sa isang tabi si Yori habang pinagmamasdan ang ama natutulog sa lapag katabi ng kama nito habang nagkakalat ang ilang bote ng alak sa tabi. Tumayo na si Yori ng mapansin na meron ng liwanag na sumisilaw sa mukha niya galing sa bintana natatakpan ng kurtina, hudyat iyon na umaga na. Pinulot nito ang mga bote nagkalat at inilagay sa plastic bag upang itapon, nilinis nito ang lahat ng kalat na nakakalat sa kwarto niya, ng matapos na ito tinignan niya muli ang ama, nilapitan niya ito at binuhat upang ilipat sa kama. Kahit na masakit ang buong katawan nito ng dahil sa dami ng pasa ng tamo sa pagbubog na ginawa sa kanya ng kanyang ama kagabi, kinaya niya pa rin. Ngayon hinanda naman niya ang uniform na gagamitin para sa pagpasok nito sa ekwelahan, nasa ikalima baiting na ito sa elementary at nasa siyam na taon gulang. Nakaayos na siya para sa pagpasok,seven o'clock kase ang pasok nito, pero bago siya umalis pinagluto niya muna ng prinitong itlog ang ama,alam niya kase sa oras na magising ito agad ito maghahanap ng pagkain.

Tinignan ni Yori ang sarili sa salamin, nag aalala siya sa pasa na nasa gilid ng labi niya, ang pasa natamo ng suntukin siya ng kanyang ama kagabi ng dahil siguro sa kalasingan. Tapos tinignan naman nito ang kanyang mga ngipin na ngayon ay may isang nagkulang banda gitna sa itaas. Natanggal ito ng dahil sa lakas ng impact ng pagkakasuntok sa kanya ng kanyang ama.

Hindi niya alam kung bakit ni isang galit o pagkamuhi eh hindi niya naramdaman sa ama sa kabila ng mga ginawa pananakit nito sa kanya kagabi. Mahal na mahal ni Yori ang kanyang ama, siguro dahil ito nalang ang natitirang pamilya niya, namatay kase ang mama niya pagkatapos siyang ipanganak kaya hindi na rin niya ito nasilayan pa.

Mabait ang ama ni Yori, mahal na mahal siya nito at maalaga lalo na pag hindi ito laseng. Sadyang paglaseng lang ito ay para itong nagiging halimaw at nakakalimutan na anak siya nito kaya lagi siya nabubog ng ama.

Bagong lipat lamang sila sa lugar at halos dalawang buwan palang sila dito, maging sa university pinapasukan. Sa pagpasok niya sa classroom kitang kita niya ang gulat na expression ng mga kaklase niya sa itsura niya ngayon, mukhang napansin na ata nila ang pasa na nasa labi nito. Hindi ito ang unang beses na makita nila iyon kay Yori.

"Yori" Nakita ko si sir Yakito ang teacher ko sa music, ito ang first subject namin ngayon. Malungkot ang mukha niya at hindi maitatago nito ang awa nararamdaman para sa'kin. Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso sa upuan ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago nagsalita.

"Pumunta ka sa office ko after lahat ng class mo" After niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Sa lugar na'to ay isa lamang ako stranger, kaya wala rin ako mga kaibigan. May mga lumalapit sa'kin pero hindi ko sila pinapansin,ang totoo talaga niyan ayaw ko makipagkaibigan sa kanila, dahil sa tingin ko gusto lamang nila ako maging kaibigan dahil naawa sila sa'kin. Pagkatapos nga ng lahat ng klase ko tumungo ako sa office ni teacher Yakito, sa music room. Naabutan ko siyang nag aayos ng mga gamit. Kumatok ako sa pinto para malaman niyang nandito na ako.

"Nandito ka na pala, Yori" Pumasok ako sa loob at binigyan naman ako nito ng upuan sa tapat ng table nito. Sa mga oras na'to mukhang may Idea na ako kung bakit ako pinapunta sa office niya at iyon ay walang iba kundi ang tanungin kung ano ang nangyare sa mukha ko. Pero nagkamali ako, ang buong akala ko talaga iyon ang gagawin ni Teacher Yakito, pero hindi. Umupo ito sa harapan ko at ibinigay ang isang ice bag, ilagay ko raw sa gilid ng labi ko, iyong banda may pasa para gumaling. After noon ay pinauwi na niya ako.

"Mag ingat ka sa pag uwi"- Yakito. Tanging pagtango lang naisagot ko. Nagtataka pa rin ako kung bakit ginawa iyon ni Teacher Yakito. Umuwi na ako sa bahay at sakto pagkarating ko nakita ko agad si papa na nakaupo sa sofa, mukhang malalim ang iniisip nito. Pinakiramdaman ko kung laseng pa ba siya. Dahan dahan ito tumingin sa'kin na siyang kinagulat ko at bigla ako nakaramdam ng kaba, baka mamaya ay laseng ito at mabugbog na naman ako.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant