<3 Chapter 58.2 "Two Stalker"

5.6K 119 11
                                    

Part 2

[Taki’s POV]

 

“Alam mo hindi kita maintindihan” sabi ko kay Riku. Napahinto naman ito sa paginum ng coke at tumingin sa’kin habang naka kunot pa ang noo. Nandito kami ngayon sa Jollibee, oo kasama ko siya. Nairita pa nga ako nung sumunod siya sa pinuntahan ko at ang dinahilan niya sa’kin na mas gusto niya daw dito kumain kesa sa iba. Hinayaan ko nalang siya para may kasama na rin ako.

“Di ba nililigawan mo ang bestfriend ko?” parang nagulat siya sa biglang sinabi ko. Hindi siya naka imik.

I smirk “Matanong nga kita Riku, may gusto ka ba talaga kay Inoue” agad naman niya sinagot ang tanong ko.

“Oo gusto ko siya”- Riku.

“Kung gusto mo si Inoue, bakit nandito ka ngayon at sinusundan iyong malandeng babae na iyon”- Taki.

“Malande babae?” biglang naging matalim ang tingin nito sa’kin, parang bigla ako nakaramdam ng takot

“Si Faye ba iyang tinutukoy mo” naging seryoso na talaga ang mukha nito.

“Hindi...hindi si Yori ang tinutukoy ko duh sino pa ba ang babae kasama ng hinayupak na iyon ha? Di ba si Faye” Bigla niya hinampas ang lamesa na siyang kinagulat ko.

“Trash can ka talaga, pati iyang pag iisip at pananalita mo kaseng baho mo”-Riku.

“Kaseng baho ko?” nag uumpisa na naman ba siya ng gulo argh.

“Oo kaseng baho mo...kaya hindi ako magtataka kung ang kasama ng gago iyon ay si Faye, dahil mas hamak na mabait, matalino at mas maganda naman si Faye kesa sa’yo” aba’t parang may doble doble pana ang tumama sa puso ko ng dahil sa mga sinabi niya.Anong sinabi niya? Kaya kasama ni Yori ang babaeng iyon dahil mas hamak na mabait? Matalino? At m-mas maganda? Nagsalubong na ang dalawang kilay ko sa gitna.

“Punching bag ka talaga!” sigaw na sabi ko. Nakita ko nagtinginan ang mga tao sa’kin at si Riku naman ay nagulat sa sinabi ko.

“Wala ka na ngang tenga, wala ka pa mata...nagpapatawa ka ba ha Riku? M-maganda? S-sino iyong Faye na iyon? Sabihin mo nga sa’kin. Saan banda? Sa salamin niya argh!”- Taki.

“Sa lahat lahat, maging sa panloob at panlabas, di katulad mo, panget na nga ang panloob pati panlabas” –Riku. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya ngayon sa’kin. Sino ba ang lalaki ‘to? Eh hamak na manliligaw lang naman ‘to ni Inoue at ka schoolmate ko. Wala siya kwenta sa buhay ko pero bakit parang naninikip ang dibdib ko sa lahat ng sinabi niya sa’kin ngayon. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sa totoo lang feeling ko pag nagsalita pa ako hindi ko na mapipigilan pa ang pangiiniti ng gilid ng mga mata ko. Oo na, tama siguro siya hindi ako maganda at panget ang ugali ko. Bigla ko naalala lahat ng ginawa ko nung out of town at parang bigla bumalik ang guilt at sakit na naramdaman ko.

“T-Taki” nakita ko ang gulat na expression ng mukha niya ng makita niya siguro na kumawala na ang isnag luha s amga mata ko, agad ko naman ito pinunasan gamit ang kamay ko. Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon