<3 Chapter 32 "Tears"

8K 133 35
                                    

Dedicated po sa kanya, natutuwa ako at talagang pinag iisipan niya ang story na 'to hehe.

Natutuwa po talaga ako na talagang nagiisip ang mga readers kung ano ba talaga ang nangyare nungnnight na iyon. So ganito nalang po, free po kayo na e share sa'kin kung ano ang naiisip niyong nangyari nung night talaga na iyon. Ito lang mapapangako ko sa inyo, na hindi ko po babagohin kung ano man ang nasa isip ko bago gawin ang story na'to, kung ano ba talaga nangyari nung night na iyon. At kung may makatama man sa mga hula niyo wafak! ang galing mo at sayo ko edidicate ang chapty kung saan e re-reveal ko na kung ano ang buong pangyayari ng night na iyon. Pero hindi po muna ako magsasalita okay? Wait nalang sa mga updates ko.

_Faye’s POV_

 Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog, kanina pa ako pagulong gulong sa higaan ko. Ginawa ko na rin ang pagbibilang ng tupa dito sa picture pero hindi talaga ako dinadalawa ng antok. Ang hindi ko alam kung bakit?huhu

  12 midnight na, kaya ginawa ko nalang pumunta ng kusina tsaka nagtimpla ng gatas, baka sakaling antokin na ako. Pagbalik ko sa kwarto, umupa nalang ako sa tableko malapit sa bintana, ewan ko pero bakit feeling ko may tumitingin sakin? Kaya naman napasilip ako ng wala sa oras sa bintana...halos lumakas ang tibok ng puso ko ng makitang may isang lalaking nakatayo sa tapat ng bahay naming.

 “Hindi ako pwedeng magkamali...base sa tindig niya at sa pangangatawan niya maging ang hairstyle nito, iisa lang ang naiisip ko...Si Riku?” Binuksan ko ang bintana tsaka tinignan ng mabuti, nakasandal siya sa pader at nakayuko pero maya maya lang iniangat niya ang ulo niya at tumingin sakin.

Nakita ko na nagulat siya ng makita ako. Ewan ko pero bigla ako napangiti. Pero teka? Anong oras na ah? Bakit nandito siya? Dali dali naman ako bumaba at lumabas ng bahay para puntahan si Riku.

“Riku” tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin pero agad din niya iniwas. Nagulat ako ng bigla siya naglakad palayo sakin kayan naman agad ko hinawakan ang jacket niyang color black. Huminto siya sa paghakbang at tsaka tumingin sa’kin.

“R-Riku, b-bakit ka n-nandito?” walang ano ano, nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong niyakap.  Kaya naman feeling ko pulang pula ang mukha ko sa ginawa niya at ang lakas ng tibok ng puso ko.  Ito ang unang beses na niyakap ako ni Riku at hindi ako makapaniwala. Sobrang saya ko.

“I’m sorry”-Riku. Anong pinagsasabi niya?

“Bakit ka nag so-sorry?” tanong ko sa kanya. Nakayakap pa rin siya sa’kin at mas lalo niya hinigpitan ang yakap kaya mas lalo bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa ngayon sa ginagawa niya? Bakit parang nakaramdam ako ng takot?

“Basta...I’m sorry, Faye, sa lahat ng ginawa ko”-Riku. Ang ibig niya bang sabihin, iyong mga times na nasasaktan niya ang feeling ko at iyong mga time na sinisigawan niya ako at kung ano ano pa man? Hindi ko siya maintindihan huhu. Pero kung tama man ang hinala ko, huwag na siyang mag alala dahil matagal ko na siyang pinatawad. Pero teka? Hindi naman ako nagtanim ng galit kay Riku ah!

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now