<3 Chapter 68

5.2K 82 5
                                    

[Taki’s POV]

“Takin, Takin kailan mo ba ako papakilala kay Mama?” Ano daw?Tama ba ang nadinig ko? Tinawag niyang mama ang mama ko? =_=

 Hindi ko sinagot ang tanong niya. Ilang araw na siyang ganyan, ang kulit kulit talaga ni Yori kahit kailan.

“Takin naman oh, gusto ko na talaga makilala si Mama” Two months na kami ni Yori, two months na rin ang nakalipas matapos ang lahat na mga nangyari, kay Inoue, Riku at sa lolo ni Inoue.

“Yoriko, akala ko ba nag usap na tayo tungkol diyan” Oo tama nababasa niyo, Yoriko na tawag ko kay Yori, siya nakaisip niyan at wala ako nagawa kundi sundin nalang ang gusto niya, paano ba naman isang buwan niya akong kinulit kulit na iyan daw itawag ko sa kanya, para daw araw araw niya madinig na siya ay akin lamang. Huwag na kayo magtaka, corny talaga si Yori kahit kailan at mukhang hinahawaan niya na ako sa pagiging corny niya eh. =__=

 Huminto na ako sa paglalakad at hinarap na siya. Simula kanina nung sinundo niya ako sa bus stop hanggang ngayon nandito na kami sa school, hindi pa rin niya tinatantanan ang pangugulit sa’kin about sa bagay na iyan.

“Oo alam ko, pero Takin gusto ko lang naman makilala ang pamilya mo” Nakikita ko kung gaano niya ka gusto na makita at makilala ang pamilya ko simula ng maging kami.  Sadyang ako lang ang matigas, ayaw ko talaga ipakilala si Yori dahil bawal pa nga. Bawal pa akong magkaboyfriend, patay talaga ako kay Mama pag nagkataon.

“Kinahihiya mo ba ako, Takin” Parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya lalo na ng makita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Of course not!” Hindi ko siya kinakahiya. Mahal na mahal ko ang lalaki ‘to at proud na proud ako na siya ang boyfriend ko. Maalalahanin, maalaga,sobra akong pahalagahan, napaka sweet, gentleman, gwapo in short lahat lahat na nasa kanya na.

“Eh bakit ayaw mo pa rin ako ipakilala kay Mama”- Yori.  Alam na niya ang rason ko, pero bakit kailangan na naman ba niya ulitin ang mga tanong na iyan kung alam din naman niya ang sagot. Bigla nagbell at sa pagkakataon na iyon sobra akong nagpapasalamat.

“Kita nalang tayo mamaya, Yoriko” pag paalam ko sa kanya. May sasabihin pa sana siya pero nagmadlai na ako pumasok para makaiwas sa pangugulit niya.

After class sinundo ako ni Yoriko sa classroom, iyan na ang lagi niyang ginagawa simula ng maging kami. Nagtaka ako sa kinikilos ni Yori ngayon,ang tahimik niya di katulad dati, pagnagkikita na kami para na siyang baliw, iyong tipong parang ang tagal namin hindi nagkita kahit ilang oras lang naman kami nagkawalay. Kinuha niya lang ang mga libro ko para bitbitin pero hindi niya ako tinitignan. Hind ako sanay sa nakikita ko ngayon. Si Yori ba talaga ito? Huwag niyong sabihin kaya nagbago siya dahil sa nangyari kanina.

“Yoriko” tinawag ko siya pero parang hindi man lang niya ako nadinig. Nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad at hindi pa rin ako tinitignan.Mukhang nagtatampo nga siya sa’kin ngayon.

“Yoriko” tinawag ko siya ulit at kagaya kanina hindi niya pa rin ako pinapansin. Nakakaasar talaga siya kahit kailan. Hindi niya ako binigyan ng choice sa pagkakataon na ‘to kaya wala na akong nagawa pa.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now