<3 Chapter 14 "Stalker or Secret Admirer?"

10.8K 197 16
                                    

Dedicated po kay Milovy kasi..Ayie binabasa mo na rin pala to haha! Hindi ka lang basta nagbabasa nagcocomment ang nagvovote ka pa, nakakatuwa ka talaga. Salamat sa support sa Black Heart maging sa pagsupport mo doon sa Meet My Fiance.

 

 

 

 

_Taki’s POV_

“Taki, relax ka lang” pagpapakalma sa’kin ni Inoue. Sinunod ko naman siya. Nakakainis lang kasi  kanina pa ako nagtitimpi sa lalaking ‘to. Kanina pa kasi sulyap ng sulyap banda sa’min ni Inoue. Nakakairita lang talaga! Sino bang hindi maiirita sa ganyan eh halos ilang araw na siyang ganyan eh, papansin! Ayaw ko pa naman sa lahat e iyong mga papansin at papampam lang! Almost mag one week na rin ata ko siyang classmate at almost one week na rin akong na iirita sa pinaggagawa niya grrr!

“Okay class, dismiss” sabi ng prof namin sa Polscie. Buti naman at natapos din ang subject na’to. Kanina ko pa gustong lumabas eh, kung di lang dahil kay Inoue. Siya kasi ang nagpipigil sa’kin sa pagtayo para lumabas, kung wala lang talaga siya naku kanina pa talaga ako wala dito sa classroom.

Paglabas namin  sa classroom bigla nalang may nag ring na phone

“Boy You Got My Heartbeat Runnin' Away
Beating Like A Drum And It's Coming Your Way...”

Nakita ko naman si Inoue na todo halungkat sa bag niya. I think sa kanya ata ang phone na nagriring.

“Hello?” sabi ni Inoue. Huminto muna kami sa gilid ng hagdan para masagot ni Inoue ng maayos iyong tumatawag sa kanya sa phone. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya.

“Black Heart?”- Inoue

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now