<3 Chapter 82 "Revelation"

3.2K 69 7
                                    

Chapter 82 “ Revelation”

A/N

Ang Chapter 81 –Year 1999 ay naka private po siya.Makikita niyo ang link sa profile ko J

Salamat sa patuloy na nagmamahal sa Black Heart. Don’t worry malapit na ito matapos, ilang chapter na lang ay epilogue na J

[Saitos’s POV]

Nakatingin lamang ako sa natutulog na Inoue. Wala pa rin siya malay, umaga na ngayon. Hinawakan ko ang isa niya kamay at hinalikan.  May bandage ang noo nito ng dahil sa sugat na natamo ni Inoue kahapon.

 “Please gumising ka na Inoue” Halos hindi ako nakatulog sa pagbabantay sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ito gumigising.

 “AH DUGO! DUGO!”-Inoue

 Muli lumarawan sa isipan ko ang itsura ni Inoue kahapon. Bakit ganon na lamang ang bakas na takot ang nasa mukha niya? ANo ba ang nangyari sa loob?

 Napatingin na lamang si Saito sa pinto ng may nagbukas nito.

 “Inoue!” Nakita niya ang Mama at Tita ni Inoue. Kanina lamang pinaalam ni Saito ang nangyari kay Inoue at agad naman nagtungo ang mga kamag anak niya. Lumapit sila dalawa.

 “Ano ang nangyari!?” Galit na tanong ng tita Lucia niya. Hindi ito pinansin ni Saito at tumayo na lamang upang bigyan sila ng oras makasama si Inoue.  Palabas pa lamang ito ng kwarto ng makita niya si Herald ang uncle nito. Gulat nakatingin kay Inoue at ng makita siya ay nandilim bigla ang mukha nito at kwenelyohan siya nito.

 “ANO NANAMAN ANG GINAWA MO?!” Galit na galit na sigaw ni Herald. Hindi nagawa makailag ni Saito ng suntukin siya nito. Lumapit agad si Lucia upang pigilan ang asawa.

 “Tama na Herald” Pero hindi ito nagpapigil.

 “PWEDE BA LAYUAN MO NA ANG ANAK NAMIN, LAGI MO NA LAMANG SIYA NILALAGAY SA KAPAHAMAKAN!” Wala sa sarili sabi ni Herald.

 “A-anak?” Nanlaki ang mga mata ni Saito sa narinig. Naging seryoso ang tingin niya kay Herald.

 “Ang alam ko si Mayumi ang anak niyo...at hindi si Inoue” ngayon naghihinala na siya. Natahimik na parang namutla si Herald sa tinanong ni Saito.

 “Sabihin niyo, si Inoue ba ang totoo Mayumi!” Galit na sigaw ni Saito. Hindi umimik ang dalawa.

 

[Herald’s POV] (Uncle ni Inoue)

 

“Seniorito Herald may bisita po kayo” sabi ng isa sa mga katulong. Tinanong ko ito kung sino. Umagang umaga pa lang almost eight o clock palang ng umaga at may bisita na ako kaagad.

 “Juro Phil daw po”Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pangalan na iyon. Inutusan ko ang katulong na papasukin ito. Ano kailangan niya?Sa tinagal tagal na panahon ngayon lang ulit ito nagparamdam. Nang makita ni Herald si Juro sa pinto ay agad siya tumayo.

 “Juro” pinaupo ni Herald si Juro sa sofa katapat niya.

 “Ano ang kailangan mo?” pag uumpisa ko. Alam ko na may kailangan siya kaya siya narito. Inilapag ng katulong ang isnag tasa ng tea para sa bisita. Ininum muna ito ni Juro bago nagsalita.

 “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Herald” –Juro.

 “Ano ba ang nais mong sabihin? Sabihin mo na!” Naiinip na tanong nito.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now