<3 Chapter 67

5.5K 86 4
                                    

 

[Riku’s POV]

Sinundo ko si Faye sa bahay at sabay kami naglakad papuntang school. Ang tagal ko ng gustong gawin ‘to. Matagal ko ng gustong ihatid at sunduin siya, iyong makasama siya araw araw at sa wakas dumating din ang araw na ‘to. Ngayon lang ako naging matapang na aminin sa kanya ang lahat, aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Mahal ko na si Faye simula nung highschool pero ayaw lang tanggapin ng buong pagkatao ko ang katotohanan na iyon. Hindi ko matanggap iyon dahil pakiramdam ko, isa lamang siya sagabal at harang sa mga plano ko.

“Riku, s-salamat” nandito na kami sa school at papunta sa classroom niya.

“Para saan?” Namula naman ito ng tanungin ko siya.

“Salamat dahil mahal mo rin ako” Nakikita ko sa mga mata niya na hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ko, two weeks na rin ang nakakaraan ng sabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman at two weeks na rin kami ganito. Lumapit ako sa mukha ni Faye na mas lalo nagpapula sa buong mukha niy, natatawa na lang ako, para kase patunay iyon na sobra niya talaga akong mahal.

“Mahal na mahal kita” agad ko siya hinalikan sa cheeks at tsaka naglakad palayo sa kanya. Naglakad agad  ako dahil ayaw kong makita niya na namumula na rin ako ng dahil sa ginawa ko. Potek lang kalalaki kong tao pero namumula ako haha. Sinilip ko siya bago tuluyan umalis, natawa ako ng makita siyang hindi pa rin gumagalaw. Mukhang gulat na gulat siya sa ginawa ko ah.

“FAYE” Tawag ko sa kanya para magising na siya. Napatingin naman siya sa’kin, kumaway ako.

“Kita nalang tayo mamaya” Napakasarap pala talaga magmahal lalo na kung kasama mo ang taong mahal mo. Naadik na ata ako kay Faye, simula kase ng pag amin ko parang ayaw ko ng mawala siya sa paningin ko, hatid sundo ko siya, minsan naman tambay ako sa bahay nila, uuwi lang ako kapag gabing gabi na. Hindi ako nagsasawa sa ginagawa kong iyon, parang sinusulit ko ang mga panahon na iyon, panahon na dapat matagal ko ng ginawa at pinaramdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Natapos na rin ang last subject, nagmadali akong lumabas ng classroom para puntahan agad si Faye, nanabik na akong makita siya.  Sakto nung malapit na ako sa  classroom niya agad ko siya nakita, lumakas bigla nag tibok ng puso ko. Ano ba’to, nagkita lang kami kanina pero parang miss na miss ko na agad siya.

Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ang dalawang lalaki kausap niya ngayon. A-ano ginagawa nila dito? Nakaramdam ako ng kaba, kaya agad ako tumakbo papunta sa kinarurunan ni Faye.

“Faye” Tumingin siya sa’kin at kumaway. Tuwang tuwa siya na makita ako. Tumingin din sa’kin iyong dalawang lalaki na kausap niya. Ngumiti sila ng makahulugan. Hinila ko si Faye palapit sa’kin at itinago sa likod ko.

“R-riku?” nagulohan siya sa ginawa ko. Tinignan ko ng masama ang dalawa.

“Oh Riku, buti nandito ka na” masayang sabi nito pero alam ko kasinungalingan lang iyon at may masama silang binabalak.

“Anong ginagawa niyo dito?”  Lumapad ang mga ngiti nila.

“Oh kalma lang bro, huwag kang manginig” sabi ni Lek. Tinignan ko si Faye a nakikita ko na nagugulohan pa rin siya sa mga nangyayari, sa inaasta ko.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now