<3 Chapter 58 "Two Stalker"

5.6K 79 12
                                    

Part 1

[Taki’s POV]

 

Namumula na ang mga paa ko sa kakapalo ko  dito. Irita bakit ba kase ang dami ng lamok sa room na ‘to, argh. Ay oo nga pala bodega pala ‘to kaya ganun.  =__=

“Hanggang kailan ba sila doon, Asar!” sabi ng lalaking katabi ko. I rolled my eyes muntik na naman sana akong magulat sa pagsulpot ng lalaki ‘to sa tabi ko kung hindi ko lang na familiarize ang boses at pabango nito.

“Gaya ng inaasahan ko susulpot ka na naman diyan sa harapan ko!” tinignan niya ako ng masama.

“Hoy babae, sadyang naunahan mo lang ako sa pwesto ‘to kaya nandito na naman ako sa harapan mo!”  aba’t napaka wala niyang modo ha! Hindi na ako nagsalita baka mamaya madinig pa nila kami. Nandito kami ngayon sa gym at palihim na sinusundan ko si Yori at ito naman isang katabi ko at halos apat na araw na akong nababanas dahil sunod ng sunod sa’kin, ay mali din pala, hindi pala sa’kin kundi sa malandutay na babaeng iyon, si Faye lang naman ang tinutukoy ko. Halos kalahating oras kami naghintay sa bodega na’to at mukhang busog na busog na ang mga lamok sa dugo ko, asar! Sa susunod kailangan ko ng magbaon ng baygon!

“Ano nandiyan pa rin ba sila?” tanong k okay Riku na siyang nagmamasid sa dalawa. Hindi niya ako pinansin at alam ko na ang sagot, nandiyan pa nga.

Alam ko na nagkamali ako at pinagsisihan ko iyon. Humingi ako ng tawad kay Inoue at nangako sa sarili ko na kahit kailan hindi ko na uulitin ang bagay na iyon.  Ngayon, ito naman ang oras para humingi ng tawad kay Yori at magpaliwanag pero bakit ganito ang nangyayari? One week na siyang absent sa class namin and almost four days ko na ginagawa ang pagsunod sunod na ‘to sa kanya. Noong makita ko siya gustong gusto ko siyang yakapin sa totoo lang pero hindi ko nagawa dahil natakot ako. Natakot ako na baka galit pa rin siya sa’kin at baka hindi niya ako mapatawad.

Muntik akong mapahiga sa sahig ng tumalon si Riku sa tabi ko at nabangga ako kaya iyon.

“Argh ano bang prob—“ bigla niya tinakpan ang bibig ko.

“Shhh manahimik ka” bulong nito. ANo bang problema niya, itutlak ko palang siya palayo sa’kin ng mapako ang mga mata ko sa dalawang taong magkaholding hands habang tumatakbo at nakita ko kung gaano kalawak ang ngiti ni Yori kay Faye. Naramdaman ko ang pang iinit ng ulo ko, feeling ko kumukulo ang dugo ko ngayon at kailangan ko ng masasapak.

“Yori Okinawa!”

*bogs*

 Halos mawala ako sa sarili pero agad din ito bumalik ng makita ko si Riku na ang sama ng tingin sa’kin habang hawak hawak ang pisngi niya.

“Bakit mo ginawa iyon!” galit na  sabi niya. Dahil sa inis na inis na ako kaya nasapak ko siya ng hindi ko sinasadya at dahil nga inis na inis din ako kaya  parang nawala ang takot ko sa nagawa ko sa kanya. Nilakasan ko pa rin ang loob ko. Dahan dahan akong tumayo at tinignan siya.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon