<3 Chapter 46 "Relationship Status"

6.5K 159 40
                                    

_Inoue’s POV_

Isang buwan na kami ni Saito ayiee.

 Loko lang ang totoo niyan, isang buwan na nga ang lumipas iyong tungkol sa boyfriend/girlfriend na iyan Potek lang, sana pala hindi ko na binaggit iyong salitang iyon. Dahil kasi diyan mas lalo ako nagulohan. Sa loob ng isang buwan hindi nagbago ang treatment niya sa’kin. Slave pa rin kung ituring ako, meron bang Girlfriend/Boyfriend na ganyan? Huhu. Kaya nga ngayon nagugulohan na talaga ako sa status namin ni Black Heart.

Nandito kami sa stage ni Saito at kumakain siya ng apple. Ako naman basa basa ng notes kunware, pero ang totoo niyan hindi talaga ako nagbabasa. Nag F-FLAMES ako, oo na ako na ang isip bata, e sa nagugulohan talaga ako sa relationship Status namin dalawa ni Saito, kaya ito nalang ang naisip kong paraan para manahimik na ang utak at puso ko. Bongga di ba? Kung di mo alam ang relationship status niyong dalawa eh di magFLAMES ka, sabay tayong maglokohan ng sarili. Dali sabayan niyo ko J

Sa mga hindi nakakaalam ng larong ‘to, ipapaliwanag ko. Meaning ng bawat letters sa baba

F - Friends

L - Lover

A - Anger

M - Married

E -Enemy

S –Sweet Heart

Ang larong to for Fun lang naman siya, meron naman iba nagse-seryoso lalo na kung ang naging result e Letter L,M and S. Sasabihin nilang totoo ang game na’to pero pag letter F,E,A ang naging resulta sasabihin nila “Potek! Sino nagimbento ng larong ‘to! MAMATAY  NA” sabay iyak iyak sa sulok o laslas ng pulso...joke lang ^_^.

F.L.A.M.E.S

Name : SAITO SAGA

Name: INOUE KAGAWA

 (A/N: wala ng middle initial nakakatamad mag isip haha)

Kung ano man letters ang magkatulad iyong dalawang pangalan tatanggalin mo iyon. Tapos sa huli bibilangin mo kung ilan ang natanggal. Woshoo kinakabahan ako sa magiging resulta, grabe lakas ng tibok ng puso ko, pinagpapawisan ako. Pero ng makita ko ang result nagsipagbalikan ang mga pawis ko sa katawan at napangiti ako.

Name: SAITO SAGA        = 6- SWEET HEART

Name: INOUE KAGAWA = 6 -SWEET HEART

Napatingin ako sa kanya ng pasimple “So sweetheart pala ha? Haha” bulong ko sa sarili ko. Binilang ko na kung ano magiging resulta. Woshoo ano kaya magiging result samin dalawa. Ito na ang final.

Name: SAITO SAGA        = 6- SWEET HEART

Name: INOUE KAGAWA = 6 -SWEET HEART

                                           12 – SWEET HEART

Ang galing naman ang dating BLACK  HEART napalitan ng SWEET HEART  pagkami ang pinagsama ayiee. So sweet heart ko si Saito? Pero bakit parang di naman. Ganun ba iyong sweet Heart utos utosan ka? Argh! Kalokohan! Sa inis ko tinapon ko nalang sa bag ko ang notebook and ballpen. Tss makapag soundtrip na nga lang.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now