<3 Chapter 75

4.7K 119 19
                                    

[Saito’s POV]

 

“I love you”- Inoue. Nagulat na naman ako nung sabihin ni Inoue ang mga salitang iyan sa’kin. Hindi ko alam kung bakit lagi ganito ang nagiging reaction ko sa tuwing sasabihin niya iyan. Sa tingin ko, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mamahalin din ako ni Inoue,na meron pa rin pala kaya  magmahal sa isang kagaya ko. Niyakap ko na lamang siya at hinalikan sa noo para itago sa kanya ang pagkagulat ko.  Ayaw maalis ng ngiti sa mga labi ko.  Nagulat na lamang ako nung bigla siya kumawala sa pagyakap ko. Tinignan niya ang mga mata ko at salubong ang kilay nito sa gitna. Parang nakasulat sa mga mata at mukha niya ang salitang disappointment. Ewan ko pero nung makita ko iyon parang gusto kong matawa.

 “Bakit?” Pa innocente kong tanong, kunwari hindi ko siya naiintindihan. Kahit kailan talaga ang sarap asarin nito haha. Mas lalo nagsalubong ang mga kilay nito sa gitna.

“Wala ka man lang sasabihin?”Sa totoo lang gusto ko na humagalpak sa pagtawa. Bakit pa ba kailangan ko pang sabihin ang sailtang iyon? Eh nasabi ko na sa kanya iyon dati ah. At isa pa kulang pa ba ang mga ginagawa ko para maramdaman niya kung gaano ko siya ka mahal? Nagkibit balikat ako. Ops parang naiiyak na siya, takte anong gagaiwn ko? Nag eenjoy pa ko na pagtripan siya. Kinuha nito ang unan at agad na inihampas sa’kin.

“Tse! Umalis ka nga dito!” agad ito humiga at tumalikod sa’kin.Mukhang naasar na nga ata siya. Mukhang kailangn ko nga ulitin sabihin sa kanya ang mga salitang iyon. Asar naman! Ako si Balck Heart at hindi ako marunong o mahilig mag express ng emotion lalo na pagsinasabi ito. Para sa’kin kabadingan iyon! Kaya nga dinaan ko nalang sa action, pero mukhang manhid pa ata ang babae pinili ng puso ko =____=

Napabuntong hininga na lamang ako ng maisip iyon “Inoue” Muli kong tawag sa kanya pero hindi pa rin niya ako iniimik. Galit na nga sa’kin.  Asar! Kabadingan talaga ‘to. Sinubukan kung ibuka ang bibig ko para sabihin sa kanya na mahal ko siya pero..asar! Nababaklaan talaga ako.

“Labas muna ako” pag paalam ko na lamang sa kanya. Hindi pa rin niya ako nililingon. Kakaiba talaga ang babae ‘to. Akala ko ako lang ang walang puso pero sa ginagawa niya, parang siya ang walang puso sa’min, NAPAKAMANHID! Pasalamat ka mahal kita kaya di kita matiis. Tumikhim ako, napamura ako ng wala sa oras sa isipan ko ng maramdaman na parang nang iinit ang mukha ko. KABADINGA TALAGA KAASAR!

Tumikhim ako at tsaka pinihit ang pinto at binitiwan ang mga salitang

“Mas mahal kita,Inoue” Happy?Ano masaya na siya? Ginawa niya akong bading =____= Sinara ko na ang pinto.Kabadingan talaga ! Pero hindi maalis sa mukha ko ngayon ang saya na nararamdaman ko. Sa wakas na sabi ko ulit sa kanya.Parang gusto ko magtatalon sa tuwa.  Makabili na nga lang ng pagkain.Naglalakad na ako papunta sa canteen ng may bumangga sa’kin. Loko ‘to ah! Hindi nag iingat. Hndi niya ba alam kung sino ang binabangga niya! Makakatikim siya ngayon, nakita ko na isa itong babae pero wala akong pakialam. Tumingin ito sa’kin. May luha ang mga mata nito.

“Lucia” Tumingin ako dun sa lalaki tumawag sa kanya. Parang Familiar sa’kin ang mga mukha nila. Unti unti ko inalala at halos panghinaan ako ng lakas ng maalala kung sino ang mga ‘to. Tumakbo muli ang babae at sumunod naman sa kanya ang lalaki, bago ito makalagpas sa’kin, nagkatinginan kami at ang mukha nito ay humihingi ng paumanhin.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now