<3 Chapter 78 "Cousin"

5.2K 88 14
                                    

[Inoue’s POV]

 Five days passed simula iyong date namin ni Saito. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga ginawa namin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kilig and kaligayahan na nararamdaman ko. Iba na talaga ‘to. Mukhang in love na in love na ako sa kanya. Namula ako ng maalala iyong nakatopless lang si Saito, waah pati ba naman iyon naalala ko pa? Kyaah ang dirty na ng mind ko, hanggang ngayon ba hindi pa rin ako makamove on sa six pack abs niya? Grabe talaga pinagpapawisan ako pag naalala ko iyon.

“Inoue” Nakita ko si Tita Lucia nasa hagdan. Nakita ko ang pananabik  ng mga mata niya na makita ako.

“Hi Tita” Bati ko sa kanya. Gaya ng ipinangako ko na lagi ako dadalaw sa mansion kaya nandito ako ngayon kaso nga lang two weeks na rin ang nakalipas simula ng huminto ako sa pagdalaw, naging busy kase sa school.Naalala ko sa loob ng two weeks na iyon  Ilang gabi ako tinext  at tinawagnni titana dalawin ko na daw sila, dahil miss na mis na nila ako. Medyo nakokonsensiya nga ako kase ngayon lang ako nakadalaw ulit after two weeks.  Niyakap ako ni Tita ng mahigpit at niyakap ko na rin siya.

“Bakit ngayon ka lang ulit dumalaw?” May pagtatampo tanong nito.

“Sorry po Tita naging busy lang po sa school”

“Ganon ba? Sige kalimutan na natin iyon basta mahalaga nandito ka na.Tara anak, nagbake ako ng cake tikman mo”  Sabik na sabi ni Tita at agad niya hinawakan ang kamay ko para pumunta ng kusina natatawa na lamang ako. Pero sobrang saya ko kase napakabait talaga nila Lolo, Tita Lucia and Uncle Herald sa’kin. Mahal na mahal nila ako nararamdaman ko iyon. Pagkarating namin s akusina agad inilabas ni Tita Lucia nag cake at inilagay sa lamesa kumuha siya ng kutsilyo then platito. Nag slice siya ng cake at inilagay sa platito at ibinigay sa’kin.

“Dali anak tikman mo na” Tumango ako at hinawakan ang tenedor para kumuha ng cake.

“Ano masarap ba?” Strawberry cake ang ginawa ni Tita at masasabi ko na sobrang sarap nito. Kumuha pa ako ulit at kinain nito.

“Grabe po tita napaka sarap ng cake na’to, The best sa lahat ng cake na natikman ko” Totoo lahat ng sinabi kong iyon, masarap talaga as in. Ngumiti si Tita at nakita ko na natuwa siya sa sinabi ko.

“Masaya ako na nagustuhan mo, anak” Kain lang ako ng kain ang sarap talaga eh.

“Nako wait lang gawa lang ako ng juice para sa inumin mo” pagpaalam ni Tita at ngumiting tumango ako sa kanya. Nako magpapaturo talaga ako kay Tita kung paano gumawa. Natigilan ako sa pagkain ng makarinig ako ng tawanan sa labas ng kusina kasabay noon ay pagpasok ni Uncle Herald at ng isang babae na masasabi ko na hindi nalalayo ang edad namin.

“Nag enjoy ka ba anak sa piano lesson natin kanina?” sabi ni Uncle Herald sa babae katabi.

“Oo naman po, Daddy” Sabi nung girl. Ano daddy? Anak?Anong ibig sabihin nito? Naguguluhan tuloy ako. Nabaling ang atensyon ko kay Tita Lucia  ng mahulog nito ang basong hawak hawak.

“Tita” sigaw ko at agad na lumapit sa kanya. Nagulat din sila Uncle Herald at ang kasama nitong babae at agad na lumapit kay Tita Lucia.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now