<3 Chapter 44 "His answer"

7K 152 23
                                    

Waah nakkatuwa lahat ng comments niyo s last chapter haha, talagang ang daming supporter ni Saito haha. Kahit po di ako nakakapagreply sa comments niyo, binabasa ko po iyon at sobrang natutuwa ako. Maraming salamat poooo ^_^

_Inoue’s POV_

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad at hila hila lang niya ako. Hindi pa rin ako maka recover sa mga sinabi niya kanina kay Eiji. Tama narinig ko di ba? Sinabi niyang “She’s Mine”  Di ko mapigilan nag hindi mapangiti kapag naalala ko iyon. Tumingin ako sa kanya, patuloy pa rin kami naglalakad at hila hila lang niya ako.

Saito Saga, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? Kahit kailan napaka hirap mong basahin. Hindi ko na natiis, naguglohan ang isipan ko ngayon. Gusto kong malaman kung sino nga ba ako sa buhay ni Black Heart. Sadyang Slave lang ba talaga o mas higit pa? Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya at tumingin sa’kin. Hihilahin niya ulet ako pero bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

“Inoue” hindi ko pinansin ang galit niya. Marami akong  gustong  malaman ngayon. Bakit? Bakit niya sinabi iyon kanina? Bakit lagi siya naiinis pag may kasama akong iba? Bakit gusto niya lagi akong pagtripan? Basta gusto ko malaman bakit niya ginagawa sakin lahat ng iyon.

“Bakit?” Nakayuko lang ako habang kinakausap siya. Naiinis na talaga ako, ang hirap magi sip at mang hula kung bakit niya ginagawa sakin ‘to. Oo dati tinanong ko siya kung bakit ako ang Trip niya tapos ang sagot niya lang “Because you are Inoue Kagawa” so what kung ako si Inoue Kagawa, paano pala kung hindi kagawa ang last name ko, gaganitohin niya pa rin ba ako?

“Bakit mo sinabi iyon?” This time tumingin na ako sa kanya at nakatingin lang din siya sakin.

“Bakit mo sinabi na  Akoy sa’yo? “ napakuyom ang kamao ko sa sobrang inis. Hindi pa rin siya sumagot at nanatiling nakatingin sakin ng wala man lang emotion.

“Bakit ba lage kang ganyan? Bakit ba lagi ka naiinis pag may kasama akong iba ha? Bakit ba lagi mo ako binibigyan ng punishment pag nangyayari iyon? Bakit ba lagi mo ako pinagtritripan? Bakit ba lagi nalang slave ang turing mo sa’kin? Tapos sasabihin mong She’s Mine? Dahil ba sa slave mo lang ako? Hindi talaga kita maintindihan kahit kailan. Gusto ko sagutin mo lahat ng tanong ko ngayon Saito, ayaw ko ng sagot na dahil I’m Inoue Kagawa, so what kung ako si Inoue at mas lalo ayaw ko rin ng sagot na because I’m your Slave! Pwede bang sagutin mo ko ng Ta- -“ Napahinto ako sa pagsasalita ng dahil sa ginawa niya. Hindi ako makakilos dahil sa ginawa niya. Totoo ba ‘to? Magkalapat ang labi namin ngayon sa isa’t isa . He kissed me? A-again? heto ako sa sobrang gulat di ko magawang makakilos at kitang kita ko na nakapikit ang mga mata niya. Halos ilang segundo din ang lumipas bago niya hiniwalay ang labi niya sa labi ko. Dahan dahan siyang lumayo pero siguro two inches lang ang layo at nakatingin siya sa’kin ngayon at nakangiti ng nakakaloko

He smirk “Siguro naman, pwede ng sagot to sa lahat ng katanongan mo, Ms.Kagawa” after noon umalis na siya. Dahan dahan ako napa upo sa sahig ng umalis siya. What the! H-hinalikan niya ako? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nagvi-vibrate na naman ang puso ko, may nagtext na naman sinasabing

“You Like him, Ms.Kagawa”

Oo na, inamin ko na naman di ba, n-na m-medyo nagkakagusto na nga ako kay Saito waaah! Pero teka lang, a-ano ang sinabi niya? Iyon na ang sagot sa lahat ng katanongan ko? Paano iyon ang naging sagot? Argh hindi ko maintindihan TT_TT

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon