<3 Chapter 20 "Anti Black Heart Club"

9.3K 179 36
                                    

_Inoue's POV_

Pagpasok ko sa school, nagulat nalang ako kung bakit nagkakagulo ang mga studyante.

“Patalsikin si Black Heart! Patalsikin si Black Heart!” Iyon ang mga naririnig kong sinisigaw nila. Totoo ba ‘to? Hindi ako makapaniwala, may mga naglakas loob na kalabanin si Black Heart?

 Siguro my mga sayad ang mga ‘to. Tsk tsk ako nga na si Inoue Kagawa, matapang! natitiklop pag andiyan si Black sila pa na...hmmm..matatapang din ba ang mga ‘to o nagtatapangtapangan lang.

“Ikaw miss” papunta na sana ako ng room ng biglang tinawag ako ng isang ka member nila. Pano ko nalaman na isa siya sa mga members, simple lang meron siyang itim na panyo na nakatali sa braso niya. Halos lahat kasi sila nakaganun.  May itim na panyo sa mga braso nila.

Kung hindi ako nagkakamali, pagmay patay isa sa sign na nagluluksa ang isang tao, may isang tela na nakatali sa Braso nito. So it means, ngayon palang nagluluksa na sila para sa mga buhay nila siguro hahaha!

“Hoy Miss” tawag niya ulit sa’kin. Siyempre pinansin ko siya.

“Bakit?” Nagulat nalang ako ng bigla niya nilagyan ng black na panyo ang braso ko.

“Ho-hoy anong ginagawa mo?” Pinilit kong tanggalin pero pinipigilan niya.

“Huwag ka ngang plastic! Alam ko naman na ayaw mo rin kay Black Heart...kaya suotin mo iyan”  Nakakairita ‘to ah! Ako ba sinisigawan niya? Oo sinigawan niya ako kaya nang init ang ulo ko.

“At sino naman nagsabi sa’yo na ayaw ko kay Balck Heart!!”  Te-teka nga... ta-tama ba ang narinig ko? Sinabi ko iyun? Huwaaaah! Nakita ko na halos lahat sila lumapit sa’kin at inikutan ako. So ang pwesto namin ngayon ay ako sa gitna at sila nakabilog sa’kin. Feeling ko matutunaw ako sa mga titig nila. Ang lalaki ng mga mata nila, halatang gulat na gulat sa sinabi ko.

Potek naman kasi eh! Bakit ko ba nasabi iyun?

“Hoy miss, ang ibig mo bang sabihin na...na... gu-gust-“ Hindi ko na siya pinatapos, natataranta na ako, kainis naman bakit ko ba nasabi iyun? Siguro dahil sa sobrang inis

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora