<3 Chapter 18 "His Embrace"

10.2K 174 26
                                    

Sis sayo ko ulit dinedicate hehe. Maraming thank you talaga sa effort mong gawan ng cover ang Black Heart haha! ANg gwapo ni Saito dun ah! At bagay na bagay sa kanya lol. Salmat talaga!

Ilabs yuh na talaga haha!

Siya po ang gumawa ng magandang cover ng Black Heart ngayon at pati iyung unang cover ng black Heart. Oh di ba bongga, effort talaga siya.

At kinilig pa ang author sa ginawa niya ^___^



_Taki’s POV_

Buong araw kong hindi siya nakita. Nasaan na kaya siya? Feeling ko hindi Kompleto ang araw ko pag hindi ko siya nakikita at di ko nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

 Isang tao lang naman ang tinutukoy ko at alam niyo na siguro kong sino iyun.

"Si Black Heart"

 

 Pumunta ako sa parking lot mga bandang uwian , bumilis ang tibok ng puso ko at nakahinga ako ng maluwang ng makita ko ang Bike niya.

“Nandito naman pala siya, pero bakit hindi siya pumasok sa Class namin kanina?” Nabuhayan ang loob ko, kung andito pa ang motor niya, ibig sabihin nandito pa siya sa school, kaya naman dali dali kong inikut ang buong school.

 Chineck ko na ang pwede niyang tambayan pero wala siya doon. Oo aaminin ko,alam ko kung saan siya lagi tumatambay , sabihin na natin na ako ang stalker ni Black Heart, pero correction lang, sa school lang ako nags-stalk, pag sa labas na ng school, stop na ako doon kasi baka manganib ang buhay ko.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora