<3 Chapter 52 "Out of Town"

6.6K 129 16
                                    

[Taki’s POV]

 

Nakapack na lahat ng gamit ko, saktong paglabas ko ng gate nandiyan na si Inoue, nagrent siya ng Taxi para sa’min dalawa. Sabay kase kami pupunta ng school doon daw ang meeting place. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino sino ang mga kasama namin sa outing na’to. Wala talaga akong planong sumama kase nakakatamad pero nung sinabi ni Inoue na wala na daw akong gagastusin sa lahat basta sumama lang daw ako. Dali dali akong pumayag, oi minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon, makapag out of town na walang pera gagastusin haha, libre pa.

Nakarating naman kami ng safe, may isang van na nakapark sa tapat ng school.

“Nako Taki, nandiyan na sila, tara na” ha? Nandiyan na? eh wala nga akong nakitang tao, nagmadali si Inoue pumunta doon sa van. Sumunod na lang ako at nagmadali na rin. May nagbukas na agad ng van at agad na pumasok si Inoue ako naman papasok n asana nung natigilan ako dahil bigla bumalagta sa harapan ko si Yori.

“Waah Takin” naka open arm siya at balak pa ata akong yakapin.Agad ako umilag kaya napalampas siya at hindi ako nayakap. Woshoo muntik na ako doon ah.

“Hoy Yori anong ginagawa mo dito?” nagulat talaga ako nung makita ko siya.

“Ako? Kasama ako sa out of town” ngumiti ito ng malapad.

“Anong akala mo maniniwala ako sa’yo?” binitiwan ko ang mga dala kong gamit at kinurot ang pisngi niya.

“Kahit ba naman dito susundan mo pa rin ako, Yori” kaasar lang kase, halos di ako nakatulo ng dalawang araw ng dahil sa ginawa niya sa’kin nung mga nakalipas na araw grr. Dapat pahinga ko iyon eh kaso hindi ako nakapagpahinga dahil kahit magisa ako ginugulo niya isipan ko grr.

“A-aray Takin, g-gusto lang naman kita makasama eh, masama ba iyon huhu” mas lalo ko diniinan ang pagkurot sa pisngi niya. Paano ako makakapag enjoy at paano tatahimik ng bakasyon ko kung nandito siya argh.

“Taki, tama na iyan kasama talaga natin si Yori” –Inoue. Napatingin ako kay Inoue at napahinto s apagkurot sa pisngi niya.

“Weh?” tumango naman si Inoue.

“Oo, Taki kasama talaga si Yori”-Faye. Napatingin naman ako sa isa pang nagsalita.

“Kasama ka rin?” turo ko kay Faye, oo kilala ko na siya.

“Oo Takin kasama siya” sabat ni Yori.

“Manahimik ka di kita kinakausap”pag sita ko sa kanya. Agad naman siya umarte na parang zinepper ang bibig niya. Kainis kasama din ang babaeng ‘to? Tinignan ko pa kung sino nasa loob ng van, meron pang limang andun at parang iyong isa kilala ko. Saan ko nga ba siya nakita? Hmmm napaisip ako at ayon bigla ko naalala. Siya iyong lalaking sunod ng sunod kay Inoue, si Riku. Tumingin siya sa’kin pero iniwas din niya. Suplado!

“Takin, Tara na nga” hinila na ako ni Inoue sa loob at sumunod naman si Yori.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon