<3 Chapter 48

6K 135 31
                                    

[Inoue’s_ POV]

 

“Bakit mo sinabi iyon ha?!” naiinis kong tanong sa kanya.

“Ah iyong text ko ba iyong tinutukoy mo?”- Black Heart.

“Oo iyon na nga!” Kainis siya, hindi lang niya alam kung ilan hampas ang natanggap kagabi kay Mama. Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan at dahan dahan siyang bumaba banda sa tenga ko kaya medyo nakiliti ako ng dahil sa hininga niya.

“Bakit ayaw mo bang maging Fiancee ako?” Lumakas ang tibok ng puso ko. Natahimik ako sandali. Hindi naman sa ayaw pero hindi pa ako handa ano ba. Pero teka nga ano ba ‘tong pinag iisip ko. Erase erase, hindi nga niya sinagota ng tanong ko eh tapos sasagutin ko ang sa kanya? Manigas siya.

He smirk “Hindi ka makasagot ano?” malungkot ang tono ng boses niya at bakit nakaramdam na din ako ng lungkot? Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakaakbay sa’kin at inilagay ito sa pocket niya tsaka tumalikod sa’kin.

Aalis na siya? Hindi pwede. Nahawakan ko ang braso niya. Matagal ko na ‘tong gustong Itanong sa kanya  pero ngayon lang ako magkakalakas ng loob para e tanong ‘to.

“Gusto mo ba ako?” nanlaki ang mga mata niya sa tanong kong iyon. Alam ko nakakahiya ang tanong na’to pero kailangan ko talagang malaman kung may gusto ba siya sa’kin. Dahil ako aaminin ko Gusto ko siya... ay mali, Crush lang pala hindi pala gusto (Niloloko ko na naman sarili ko =_=)

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya umiimik. Para siyang nanigas at kahit ako. Siguro nga hindi niya talaga ako gusto, sadyang trip lang niya ako.

“Ah sige alis na ‘ko” Hindi niya na kailangan pang magsalita dahil alam ko na ang sagot. Napahawak ako sa dibdib ko, bakit parang ang sakit lang?

“Kung sino man ang unang babaeng...”-Black Heart. Napahinto ako sa paghakbang ng magsalita siya. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

“..makita mo sa Boys Restroom, siya ang babaeng gusto ko” After niyang sabihin iyon ngumiti siya sa’kin at tsaka ako iniwan na naman nakanganga.

So it means meron na siyang ibang gusto at hindi ako iyon. Ang gusto niyang babae ay nasa boys restroom ngayon.  Pwede ba iyon? Eh puro mga lalaki ang nandun sigurado.

Pero dahil sa nacurious ako kaya ayan ngayon nasa tapat na ako ng Cr ng boys. Pinagmasdan ko ito mabuti. Seryoso kaya siya sa sinabi niya?

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Medyo kinakabahan din ako baka may lalaki sa loob. Nang maramdaman ko na walang lalaki sa loob. Dahan dahan akong pumasok, dahan dahan ko rin tinignan ang lugar.

Nang ma clear ko na walang Babae sa loob ng Cr. Doon ako nakahinga ng maluwag.

Pinagloloko niya ba ako? Grr pinagtripan na naman niya ako at ako naman si Tanga naniwala.

“Kung sino man ang unag babaeng makita mo sa Boys restroom, siya ang babaeng gusto ko”-Black Heart.

“Asan? Asan? Ang babae dito, eh wala nam-“ Natigilan ako nung may nakita akong babae. Lumakas ang tibok ng puso ko at halos mapaluha ako ng makita ko siya pero pinigilan ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Dahan dahan din siyang lumapit sa’kin at ginagaya bawat galaw ko at maging ang facial expression ko. Magkapareho kami ng Hairstyle, maging ng uniform.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa nakita kong babae.

“So i-ikaw pala ang gusto niya” sabi ko sa kanya.

I smirk “Bagay kayo” dagdag ko.

What’s your name?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa’kin bago sinagot ang tanong ko.

“I’m

 

 

 

Inoue Kagawa” sagot niya. Ang unang babaeng nakita ko sa boys restroom, walang iba kundi ang sarili ko sa pamamagitan ng  salamin. :)

Ngayon alam ko na. Hindi ko mapaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ganito pala kasarap ng feeling na malaman ang lalaking gusto mo, may gusto rin sayo.

May nagbukas ng pinto kaya napatingin ako sa taong pumasok.

Nagulat ako sa nakita ko at maging siya nagulat siya ng makita ako.

Inoue?” –Taki.                                                         

“T-taki?” gulat kong sabi.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Pumasok siya sa loob at parang may hinahanap.

“Sabi ko na eh, naiwan ko nga dito” Nakangiti niyang sabi ng makita niya ang hinahanap niya, isang libro. Ako naman halos hindi makagalaw sa mga nangyayari.

“G-galing ka dito kanina?”-Inoue.  please sana sabihin mong hindi, please Taki.

“Ah eh Oo”-Taki. Nahihiyang pagamin nito.

H-huwag mong sabihin s-si T-Taki a-ang...

“Kung sino man ang unang babaeng makita mo sa Boys restroom, siya ang babaeng gusto ko”-Black Heart.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now