<3 Chapter 22 "Why Me?"

9K 190 58
                                    

_Inoue's POV_

Nang makita ko siya sa gate, agad ako nagtago sa likod ni Riku.


“Inoue, anong ginagawa mo?” tanong ni Riku sa’kin. Basta nagsign ako na tumahimik siya. Patay talaga ako pagnakita ako ni Black Heart huwaaah! Buti nalang nakatalikod siya sa’min.


“Riku, may gagawin pa pala ako, sige alis na ako” pagpaalam ko sa kanya at dali dali naman akong naglakad palayo sa kanya habang ang bag ko nakatakip sa mukha ko. Alam ko kasing lagot talaga ako pagnakita ako ni Black heart huhu.


“INOUE, Teka lang” Potek! Bakit niya sinigaw ang name ko? Paano kung marinig ni Black Heart TT_TT. Kaya naman mas lalo ko binilisan ang paglalakad.


“INOUE!!” Riku mapapatay talaga kitaaah!huhu. Sinigaw na naman niya ang pangalan ko kaya naman kumaripas na ako ng takbo huwaaah!

Habang tumatakbo ako bigla nalang may humawak ng braso ko kaya napahinto ako. Nag vibrate na naman ang puso ko. I’m Dead I’m Dead I’m Dead I’m Dead I’m Dead talagaaah!! 1000x

Manigas nigas ako sa paglingon para makita kung sino ang humawak sa braso ko.


“Bakit ka ba tumatakbo?” Nakahinga naman ako ng maluwang ng makita ko si Riku lang pala. Akala ko siya na.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now