<3 Chapter 47 "Grandfather"

7K 180 36
                                    

Wow maraming salamat sa walang sawang supports niyo mga readers. Nakakatuwa haha. Tanong lang sino po iyong naglike sa BH sa FB na ang ginawa niyang Profile picture eh iyong picture ni Jung il woo na may nakalagay na SAITO (Edited). Sino po iyon? Pakilala ka sa'kin. Sobrang kinilig ako sa ginawa mooo as in. Abot tenga ang ngiti ko noon haha. 

Siya nga pala, naghahanap ako ng pwedng mag asikaso ng FB page ng BH. Sino po pwede? Hindi ko na po kasi talaga maasikaso iyon huhu.

Sorry pala kung hindi ako nakakareply sa mga comments niyo huhu pero promise binabas ako po iyon at sobrang natututwa ako :)

okay ito na nag updates. Vote/coment po thank you

_Inoue’s POV_

 

“Bring me Breakfast” Iyan ang message ni Black Heart sa’kin. Umagang umaga naguumpisa na naman siya. Hari kung umasta, utusan talaga ako. Wala naman akong magagawa di ba kundi ang sumunod. Kumuha nalang ako ng kahit ano sa ref namin. Buti nalang mayaman kami sa food muwahaha. Hinanda ko na ang mga ingredient na kakailanganin.

“Egg with Corn beef ang ulam mo ngayon” iyon lang kasi nakita ko sa ref. Tss palusot pa ko pero ang totoo talaga niyan. Marami nakalagay sa ref gaya ng meat, fish, gulay at kung ano ano pa. Pero ito lang kasi talaga ang kaya kong lutuin eh. Egg at mga de lata.

Nagiinit na ako ng mantika ng dumating si mama.

“Goodmorning, Ma” bati ko sa kanya.

“Inoue”-Mama. Naghihintay lang ako uminit ang mantika para mailagay ko na ang fresh egg at maluto. Nang makita kung pwede ng ilagay ang egg, kinuha ko na ang bowl na nilagyan ko ng egg para ilagay pero napahinto ako ng marinig ko ang sumunod na sinabi ni mama.

“Bibisita dito ang Lolo mo mamaya”-Mama. Nabitawan ko ang bowl na hawak ko kaya nabasag ito.

“Anak”  agad na lumapit si mama sa’kin para tulungan ako sa kalat ko.

“Ay sorry ma” dali dali ko tinulungan si mama.

“Ako na, patayin mo nalang iyong stove” Sumunod nalang ako pero ng papatayin ko na.Mali pala nag nahawakan ko at ang kalan ang nahawakan ko.

“Ouch!” agad na napatayo si mama at siya na nag off ng stove.

“Inoue” hinawakan ni mama ang daliri kong napaso at agad na binasa ng tubig.

“Huwag kang kabahan, anak” ginamot ni mama ang napaso kong daliri. Tumango nalang ako sa kanya at nagpasalamat.

Ang lakas ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Bakit? Bakit siya pupunta dito? Kinakabahan talaga ako. Ito kasi ang pangalawang beses na bibisita si lolo sa bahay. Iyong last kasi bata pa ako noon. At di ko makakalimutan noong una ko siyang nakita.

*Flash Back*

“Mama nandiyan na si lolo” Halos magtatalon ako sa tuwa ng tinuro ni mama ang isang papalapit na sasakyan patungo sa’min. Bumaba na si Lolo sa sasakyan at agad ako nagmano sa kanya. Tumingin siya sa’kin at hinaplos ang mukha ko.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now