<3 Chapter 12

10.8K 198 18
                                    

 Inoue's POV

Dinala niya ako sa ospital para magamot daw ang mga sugat ko. Nasugatan ako sa tuhod at pati sa kamay na nakuha ko kanina nung napaupo ako ng bigla nalang ako hinarangan ng itim na sasakyan habang tumatakbo. Hindi lang ako nasugatan, napilayan din ako.

Andito ako ngayon naka upo sa isang bench ng hospital. Masakit pa rin ang paa ko, kaya hindi ako makatayo . Tumawag kanina si Mama, hinahanap na ako kasi seven na ng gabi wala pa ako sa bahay. Hindi ko alam ang idadahilan ko. Ayaw ko kasi malaman  nila na meron ng muntikan kumidnap sa'kin.

Kasi pag nalaman nila, hindi ko magugustuhan ang pwedeng gawin nila sa'kin. Mawawalan ako ng kalayaan ulit gaya ng dati.

Nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Black Heart sabay kuha ng cellphone ko. Siya ang nakipag usap kay mama. Hindi ko alam kung anong sinabi niya, basta nung binalik niya ulit sa'kin ang phone sabi niya okay na. Napansin ko na okay na nga kasi di na tumawag si Mama ulit at di na nangulit.

Di pa rin mawala sa isipan ko kung sino ang mga lalaking iyun. Anong kailangan nila sa'kin? Pero may isang sagot na umiikot sa utak ko.

 

 

 

"Baka dahil kay Lolo"  Pero impossible pa rin. Napahinto sa pag iisip ang utak ko ng makita kong papalapit ang isang lalaki na may dala dalang wheelchair. Nakatingin lang siya sa'kin kaya naman bigla ako umiwas ng tingin. Ewan ko pero pagtinitignan ko siya bigla nalang lalakas ang tibok ng puso ko. Oo takot pa rin ako sa kanya pero hindi na gaya ng dati na pati mga organ ko sa katawan nakikisali sa panginginig.  Huminto siya sa tapat ko at inalalayan akong pasakay sa wheelchair. Kanina pa siya hindi nagsasalita, ni kausapin ako di niya ginagawa. Hindi ko tuloy malaman kung galit ba siya sa'kin?

Teka!...nakapagpasalamat na ba ako sa kanya?

Mukhang hindi pa..Oh My! Sa dami kasi nangyari ngayon araw pati ang pinakaimportanteng two words (Thank You)  na iyon di ko man lang na sabi sa kanya. 

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang