<3 Chapter 28 "Yakap at Halik"

8.3K 160 28
                                    

Dedicated sayo ^^ thanks sa pagbabasa hehe  

_Inoue's POV_

“Kailangan ko ang halik at yakap mo, Ms. Inoue Kagawa” iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ngayon.  

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.  A-ano d-daw? Ha-halik? Ya-yakap? Gulong gulo ang utak ko ngayon. Di ako mapakale huwaaah! Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw kong madungisan ulit ang labi kooo huhu TT_TT

“ha ha ha ma-marunong k-ka rin p-pala mag joke ha ha “ Hindi ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin iyan at tumawa ng papilit.

He smirk

Mas lalo bumilis ang heart ko sa pagbeat ng makita ko ang mga ngiting iyon. Evil smile, iyan ang mga ngiti ng mga taong may maiitim na balak. Speaking of itim, naalala ko bigla siya pala si Black heart at maitim ang puso niya? Hanooo daw?

“Handa ka na ba? Ms. Inoue Kagawa” nanlaki ang mga mata ko sa titig niya. Makikita mo na hi-hindi n-nga siya nagbibiro.

“H-handa? A-ano n-naman paghahandaan k-ko” Nauutal na naman ako ng dahil doon mas lalo siya ngumiti ng nakakaloko.

“Halik at Yakap!” napa stepbackward ako ng nagstep forward siya papalapit sa’kin.

“Ha ha ha! T-tama na s-saito, ma-masakit na ang tiyan ko sa Joke mo ha ha ha!” alam niyo iyong pakiramdam na tumawa ng pilit, na parang binuka mo lang ang bunganga mo at naglabas lang ng boses para masabing tumatawa ka na! Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan na tumawa ng pilit.  

Napatingin ako sa paligid

O_O

K-kami n-nalang ni Saito sa gitna ng..ng  cover court? Te-teka di ba break time nga-ngayon? Napatadyak naman ako sa sahig ng maalala ang katotohanan.

Ang katotohanan na ang mga tao dito ay takot sa kilalang Black Heart ng bansa.

Eh ka-kamusta naman ako di ba? Heto,  hindi makatakbo dahil sa biglang paninigas ng buong katawan ko, sinong bang hindi ha! Eh kaharap ko siya huhu

“Halik o Yakap?” Napatingin ako ulit sa kanya.

“Yakap!”-Inoue

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now