New Fantasy Story!!! Check it out!

93 5 1
                                    

Hello po, Inferno's Heiress readers!

Mayroon po akong bagong fantasy-romance adventure novel entitled:

UMIBIG AKO SA ISANG MAKAHIYA

Completed Story na rin po ito! Kaya hindi nyo na kailangan pang maghintay ng update!

Sana po suportahan n'yo rin ito!

Narito po ang link ng story: https://www.wattpad.com/story/13693510-umibig-ako-sa-isang-makahiya

Kung hindi po gumana,ilalagay ko rin ang link sa comment o maaari nyo pong puntahan ang aking profile. Thank you!

Narito ang teaser at prologue:

***

Teaser

Hindi inakala ni Jomar na sa loob lamang ng isang iglap ay mababago ang buhay niya at mapapadpad siya sa isang mundong halos hindi niya mapaniwalaang totoo—sa Mundo ng mga Makahiya.

Hindi niya alam kung paano at bakit siya napunta roon. Pero sa gitna ng paghahanap niya ng kasagutan sa mga tanong niya, mahaharap pa pala siya sa mas matitinding hiwaga at panganib sa loob ng mundong iyon.

Makalalaya pa nga ba siya bago pa mahuli ang lahat?

Prologo

Ang sakit ng ulo ko.

Pawis na pawis din ako. Dala na rin siguro ng tindi ng aking bangungot. Humihingal pa at naghahabol ng hininga.

Ang dilim.

Sobrang dilim ng paligid ko. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil wala akong maaninag. Pinilit kong tumayo.

Nangapa-ngapa...

At biglang magliwanag!

Napindot ko na pala ang switch ng ilaw. Nasa kwarto lang pala ako. Nakatulog sa sahig kapiling ang biology notebooks, at ballpen. Nag-aasignment pala ako nang bigla akong makatulog. Napabaling ako sa tiyan ng aking Optimus Prime Robot. Alas-siete na ng gabi. Kaya pala nagrereklamo na rin ang aking sikmura.

"Mama!" Tawag ko sa aking ina pagkalabas ko ng pinto ng aking kuwarto. Napakadilim ng buong kabahayan. Ang tanging liwanag lang ay ang nagmumula sa ilaw ng kwarto ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan.

"Mama?"

This time, pasigaw na.

Hindi ko na nabilang kung nakailang bigkas na ako ng 'Mama' ngunit wala talagang sumasagot. Hinagilap ko na ang switch ng ilaw para magliwanag na sa buong sala. Sa hangin lang pala ako nakikipag-usap kanina pa. Wala ni isa mang nakakarinig sa'kin. Bumabalik lamang sa akin ang boses ko.

Mag-isa lang pala talaga ako.

Bigla akong kinabahan ng biglang may kumalabog sa likuran ko. Paglingon ko'y isang kamay ang tumambad sa akin. Ang kamay lang pala ng Barbie ni Zirinia, ang nakakabata kong kapatid na babae.

Dahil sa kapraningan ay kung ano-ano na ang naiisip at nakikita ko. Inihampas ko iyon at inihagis palayo dahil sa naramdaman kong inis at takot.

Ngunit nasaan nga rin ba si Zirinia?

Mag-isa lang ako?

Pinangibabawan ako ng takot sa sarili.

Nakakapagtaka.

Alas siete na!

Pero bakit wala pa si Mama? Hindi naman 'yon lumalabas sa trabaho ng gabi na?

At...linggo ngayon!

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now