45-Imbitasyon

500 16 0
                                    

"RAMIREZ, matalino ka pa naman. Anong problema? Why are you committing such abscences? At bakit sa tuwing nawawala ka ay nawawala rin itong si Ella?"

Seryoso ang mukha ng guro habang diretso ang tingin sa kanya. Kasalukuyan nitong inaalisa ang mga resulta ng kanilang semi-final examinations nila gayong hindi naman talaga ginagawa iyon ng guro sa tanang buhay nito. At talagang sa harap pa mismo ng klase. Malas lamang dahil siya ang nakakuha ng pinakamababang iskor dahil apektado talaga siya ng mga 'bagay-bagay' ng mga panahong 'yon. Hindi niya lang talaga maintindihan ay kung nag-aalala ba talaga ang guro para sa kanya, o gusto lang talaga siya nitong ipahiya sa harap ng klase.

Humugot ng malalim na hininga ang guro. "I don't like the rumors going on between you, two. Because if that would be proven true...by all means, that means expulsion from this university. Alam n'yo naman ang patakaran ng isang catholic institution na kagaya nito hindi ba?"

Sa totoo lang, hindi nakikinig si Joseph sa mga pinagsasasabi ng guro dahil wala siyang pakialam doon. Ang inaalala niya ay si Ella. Hindi man niya nakikita ang ekspresyon nito sa mga oras na iyon dahil magkalayo sila ng upuan, alam niyang naapektuhan ito sa mga nangyayari. Alam niyang nasasaktan ito. Lalo na't mayroon itong matinding pinagdaraanan na sinasabayan pa ng mga walang kuwentang problema at mga panghuhusga. Pansin niya sa mga ikinikilos nito. Kung puwede lang. Kung puwede nga lang na sa kanya na lang ang lahat ng sakit. Para hindi na ito nasasaktan pa.

Hiniling niya sa hanging lingunin siya ni Ella ng mga sandaling 'yon para malaman ang reaksyon nito. Ngunit nakayuko lamang ito sa kinauupuan. "I said, do you understand me, Mr. Ramirez?" napapitlag pa si Joseph nang malaman na kinakausap pa pala siya ng guro. Nakailang tawag na ito sa kanya kaya't pagharap niya rito ay nakasimangot na ito. Lalo tuloy siyang napahiya.

"Y-yes, Sir," matipid na lamang na naging tugon ni Joseph.

Nabasag ang tensyon na bumabalot sa loob ng silid ng walang anu-ano'y bumanat ng biro ang tinaguriang 'class clown' na si Montgomery. Talagang wala itong pinipiling guro, o pagkakataon.

"Sir, pagbigyan n'yo na yan si Joseph. Sabi mo nga, matalino naman 'yan. Si De Leon nga, o? 'Di na talaga pumasok. Namatay na yata."

Umalingawngaw ang malakas na tawanan sa loob ng klase kahit wala naman talagang dapat na pagtawanan. Nagawi ang paningin niya kay Ella. Sa wakas ay lumingon na rin ito sa kanya. Ngunit hindi naman ito sa kanya nakatingin. Kundi sa bakanteng upuan na malapit sa kanyang harap.

Kay Marco.

Nakatulala lamang si Ella sa upuan ni Marco sa gitna ng pag-iingay. Bakas sa mga mata ni Ella ang labis na pag-aalala. Dahil sa nasaksihan ay may kung anong kumirot sa kanyang dibdib. Bakit?

Siya na ang kasama ni Ella, ngunit bakit doon pa rin ito nakatingin? Bakit kung kailan naging mas bukas na sila sa isa't isa, parang lalong lumalayo ang dalaga?

Oo, sinabi na ni Ella na kaibigan lang ang turing nito kay Damarkus, at mismong si Damarkus na ang nagpaubaya. Pero bakit?

Bakit 'di pa rin niya mapigilang magselos?

"Tumahimik kayo! Ipapa-cancel ko ang freshmen ball," panghahamon ng guro.

Nakita ni Joseph ang paglabas ni Ella. Nagtangka siyang habulin ito kundi nga lamang may humarang sa daraanan niya.

Si Katrina.

Nakangiti ito sa kanya. Nagtataka siya dahil halatang may 'nagbago' rito. Hindi niya lang matukoy kung ano. "Ano, Katrina? Ano na naman ang kailangan mo? Magpapaawa ka na naman? Hindi ka pa ba napapagod? Hindi ka ba nagsasawang sirain ang buhay namin ni Ella?" Nanggagalaiti si Joseph dahil alam niyang si Katrina lang din naman ang kutob niyang may pakana ng mga iyon.

Ngunit sa halip na patulan siya ni Katrina ay lalo lang lumapad ang ngiti nito sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang dalawang makintab na papel. "I just want to give you this. Ticket for the freshmen ball. I am hoping na pupunta ka. We put our efforts for this event. Dalawa 'yan. Bring a friendly date."

Napakislot pa si Joseph nang isiksik nito sa kanyang palad ang mga papel at inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga dahilan para maramdaman niya ang init ng hininga nito. "Bring Ella."

Inferno's HeiressOnde as histórias ganham vida. Descobre agora