1-Ang Tagapagmana

5K 140 4
                                    

"TAMA NA! MAGSITIGIL KAYO!"

Sigaw ng boses na nagpahinto sa mga Lakaw sa paglalatigo sa mga pinarurusahan at sa humahalakhak na si Lucifero. Napagawi ang kanyang paningin sa isang mestisang babaeng may mahahabang buhok na umaabot sa tuhod nito. Tanging iyon lamang ang bumabalot sa kanyang namumulang balat. Bakat mula roon ang masagana nitong dibdib at ang pinakaiingatan niyang alindog. Nanlilisik ang mga mata nitong dahilan ng pagkakatiklop maging ng mga kawal.

"Oh, Devila, aking anak? Gising ka na pala mula sa limang taong pagkakatulog. Bakit mo sila pinapatigil? Hindi mo ba nagustuhan ang iyong napagmamasdan?" bati sa kanya ng nakangisi pa ring si Lucifero.

"Sumusobra na kayo! Isang kalapastanganan ang ginagawa ninyo sa mga kaluluwa. Tumigil na kayo kundi kayo ang tutustahin ko!" Hindi sinagot ni Devila ang kanyang ama at pinagbalingan niya ng galit ang mga Lakaw. Napaatras sa takot ang mga ito at nabitawan ang kanilang mga hawak na latigo matapos bumuo ng isang bolang apoy sa kamay ang prinsesa. Hindi maiwasang makaramdam ng mumunting kaligayahan ang mga kaluluwa, dahil muli nang bumalik ang nag-iisa nilang tagapagtanggol.

Mula sa kanyang trono ay bumaba si Lucifero upang iwaksi ang nilikhang apoy ng kanyang anak. Kung hindi niya iyon pipigilan ay tiyak na masusunog ang kanyang mga Lakaw. Hindi nga napapaso ang mga ito sa apoy ng impyerno ngunit nasasaktan sila sa kapangyarihan ng kanyang anak.

Hinagkan niya sa pisngi si Devila. "Huminahon ka aking anak. Ginagawa lamang naman nila ang kanilang tungkulin."

"Tungkulin?" pambabara ni Devila. "Kailan pa naging tungkulin ang magdulot ng pagdurusa sa sinumang nilalang?" matapang na sinagot ni Devila ang kanyang ama. Napangiwi na lang si Lucifero sa taglay na katigasan ng ulo ng kanyang anak. Hindi niya akalaing kahit na matapos niya itong patulugin sa loob ng limang taon ay hindi pa rin niya nagawang maalis ang 'baluktot' nitong paniniwala. Hindi niya maintindihan kung paano sumibol sa diyablong ito, mas mismong kanyang anak, na magkaroon at makaramdam ng awa.

"Sige, anak. Patitigilin ko muna sila sa kanilang ginagawa. Ang mabuti pa ay kumain ka na. Magpapahanda ako ng espesyal na pagkain para sa'yo."

MATAMANG nakatitig si Lucifero sa bumubukal na tubig sa may dingding ng kanyang silid-opisinahan. Kumukulo-kulo ang kulay-dugong tubig at sa bawat talsik niyon ay lumilikha ng isang usok na agad rin namang nawawala.

"Nalalapit na ang asul na araw..." turan ni Lucifero sa kanyang sarili habang humahalakhak na ang kanyang utak dahil naglalaro na sa kanyang isipan ang magaganap sa araw na iyon.  Naglaro rin sa malikot na alaala ni Lucifero ang bangungot ng kanyang nakaraan. Kung kailan pinatalsik siya ng kalangitan at naimbak sa lugar na iyon. Kung kailan nawala at nawasak ang lahat sa kanya. Habang naaalala niya iyon ay lalong naghuhumindig ang kanyang galit at ang pag-aasam na maangkin ang sanlibutan. Nababaliw nga yata ito't biglang sumilay ang isang nakakabuwisit na ngiti sa mukha ni Lucifero nang makatingin siya sa bukal.

"Kaunting sandali na lang ang aking hihintayin. Mapapasaakin na rin ang dugo ng susi sa katuparan. Magagapi ko na ang sinumang humarang sa aking mga hangarin. Mababawi ko na ang dapat na sa akin!" Sumagi sa isipan ni Lucifero ang imahe ng kanyang anak na si Devila. "Gagawin ko ang lahat para mapapayag kita sa gusto kong mangyari. Para sa kapangyarihan! Kahit pa ang patayin kita!"

Natigil sa pagmumuni-muni si Lucifero sa biglaang pagkalabog ng kanyang pintuan. Mula roon ay tumambad ang isang hindi katangkarang diyablo ngunit may matitipunong katawan. Kapansin-pansin na iisa lamang ang sungay nito na matatagpuan sa gitna ng kanyang noo. Kalbo ito ngunit prominente sa mukha nito ang pagkakaroon ng kilay na hindi normal para sa mga tulad niyang diyablo. Siya si Damarkus, ang kalihim ni Lucifero sa loob na ng tatlong-daang taon. Gayunman ay nananatili pa rin ang anyo nito sa pagiging binata.

Inferno's HeiressWhere stories live. Discover now